“Woah, look who’s here.” nakangising sabi ni Keizer pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng gym na pag-aari ni Knox.Isang matalim na titig ang ipinukol niya rito dahil dito. “Nakakatakot naman…” napayakap pa sa sariling sabi naman ni Eros habang tumatawa.Nagtagis lang ang kanyang mga bagang nang mga oras na iyon. Kung hindi niya lang mga kaibigan ang mga ito ay baka kanina niya pa ito pinagsusuntok. Kaya nga siya nagpunta doon para maglabas ng sama ng loob niya pero mukha dadagdagan lang ng mga ito iyon.“Pwede ba, wala akong sa mood para makipag-lokohan sa inyo.” malamig na sabi niya bago nagpalit ng damit.Pagbalik niya ay naroon na si Knox at nakangiting sinalubong siya. “Mukhang may problema ka na naman ah.” bungad na sabi nito kaagad sa kaniya. Hindi siya sumagot. Kahit kailan talaga ay kilalang-kilala siya nito, palibhasa sa kanilang apat ay silang dalawa ang pinakamalapit sa isat-isa.Ngumisi lang naman si Eros at lumapit kay Knox, napahawak ito sa balikat nito. “Ang sab
最終更新日 : 2026-03-05 続きを読む