LOGINBAGO pa man may mangyari sa kanilang dalawa ni Sevi, mabuti na lang ay napigilan niya ito. Ngunit hindi siya nito hinayaang lumayo sa kaniya. “So, pumapayag ka ng makasama ako?” tanong nito sa kaniya na nagniningning ang mga mata na parang isang bata.Nag-iwas siya ng tingin at napabuntong hininga dahil hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at bakit niya ito biglang hinalikan. Napakagat labi siya at hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito sa kaniya. Payag na nga ba siya sa gusto nito? Pero hindi nito nilinaw ang magiging relasyon nila, basta ang sabi lang nito sa kaniya ay gusto siya nitong makasama.Bigla nitong hinawakan ang kanyang labi dahilan para muli siyang mapalingon dito ng wala sa oras. “Huwag mong kagatin ang labi mo, ako lang ang may karapatang gawin yan.” sabi nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay hindi nagbabago habang nakatitig sa kaniya, punong-puno ito ng emosyon na hindi niya mabigyan ng pangalan. “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.”
MEDYO masakit ang ulo ni Addie nang magising siya kinabukasan. Nang bumangon siya ay kaagad siyang sinalubong ng malakas at preskong hangin mula sa karagatan. “Gising ka na pala.” sabi ng isang baritonong boses mula sa likod niya.Dahan-dahan siyang napalingon dito at pakiramdam niya ay para bang nasilaw siya bigla dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Bahagya siyang tumango bago napainat at napatitig sa dagat. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw ng mga oras na iyon ngunit hindi naman ito masaki sa balat.“Halika, kumain na tayo.” sabi nito sa kaniya bago niya naramdamang bigla na lamang siya nitong hinila.Hindi siya makapaniwalang napatingin sa pagkaing nasa harapan nila. “Paanong, saan mo kinuha ang mga ito?” puno ng pagtatakang tanong niya. Wala naman silang halos dala kagabi nang magpunta sila doon pero ngayon ay nakahanda sa harapan niya ang isang mahabang mesa kung saan ay punong-puno ng pagkain at nakaayos ito sa paraan na parang boodle fight.Ngumiti lang naman ito sa kaniya b
PAGKASARA ng pinto ay napasalampak sa sahig si Andromeda, ang kanyang mga mata ay walang tigil sa pag-iyak. Naninikip din ang dibdib niya sa halo-halong emosyon. Kung kailan tanggap na niya, nakalimot na siya ay muli lang itong magpapakita sa kaniya. Pakiramdam niya ngayon ay parang kahapon lang ulit nangyari ang lahat.Ang sugat na naghilom na ng napakatagal sa pagkakaalam niya ay muling nabuksan at sa pagkakataong iyon ay mas masakit pa iyon kesa noong una siyang masaktan.~~~~~MAGKATABI sina Addie at Sevi sa sofa habang nanunuod ng isang pelikula. Kanina pa tahimik ang katabi niya na para bang may malalim na iniisip, simula ito nang bumalik sa loob matapos itong makipag-usap sa kanyang telepono.Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala dahil sa hindi magandang ekspresyon nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong sumandal sa kaniya. Hindi siya gumalaw at hinayaan na lamang ito hanggang sa narinig niya ang boses nito. “Ang sarap sa pakiramdam yung ganito, nasa tabi kita. Mag
HINDI namalayan ni Addie na maging siya ay nakatulog na habang yakap-yakap ni Sevi. nang magising siya ay halos palubog na ang araw. Hindi niya akalain na makakatulog siya ng ganun katagal habang nakatabi si Sevi. dahan-dahan siyang bumangon sa takot na baka magising niya ito dahil alam niya na hanggang sa mga oras na iyon ay nagbabawi pa rin ito ng tulog.Mabuti na lang dahil sa sarap ng tulog nito ay hindi ito nagising. Mabilis siyang lumipat sa kanyang silid para maligo na muna bago siya magluto ng makakain nila dahil tiyak na gutom ito pagkagising.Nang magising nga ito ay eksaktong nakaluto na siya kaya naghain na siya. Tahimik silang dalawa habang kumakain nang biglang tumunog ang cellphone nito. Kaagad nitong kinuha iyon at sinulyapan. Nang makita nito ang tumatawag ay kitang-kita niya ang pag-iba ng ekspresyon nito bago pinatay ang tawag. Kaya lang makalipas lang ang ilang sandali ay muli na naman itong tumunog dahilan para mapasulyap siya rito.“Bakit hindi mo sagutin? Baka i
PAKIRAMDAM ni Addie ay napaka espesyal ng araw na iyon dahil hindi lang siya ipinagluto ni Sevi kundi hindi rin siya nito hinayaang maghugas ng plato. Ito ang gumawa ng lahat ng iyon kahit na pinilit niya pa itong tulungan ito kaya sa huli ay naroon siya at nakaupo habang pinapanood itong maghugas ng plato.“Kailan ka pa dumating?” hindi niya napigilang hindi magtanong dahil hindi niya man lang ito naramdamang dumating.Ipinilig nito ang ulo at nilingon siya. “Well, paano mo malalaman e ang sarap ng tulog mo.” sabi nito sabay ngiti na mas lalong ikinakunot ng noo niya. “Napaka ingay mo talagang matulog, bukod pa doon ay…” napailing na lamang ito na para bang ayaw na nitong pag-usapan pa iyon.“What are you talking about?” tanong niya habang nakatitig dito.“Well, uhm… you know, tumabi ako sayo kagabi at…” bigla itong nag-iwas ng tingin. “Natuluyan ako ng—”“Oh dammit! Stop!” pigil niya sa susunod pang sasabihin nito habang namumula ang kanyang mukha.Bakit ba kasi nagtanong pa siya? K
PAGDATING ni Addie sa villa ay kaagad na sumalubong sa kaniya ang napakatahimik na kapaligiran. Isang linggo lang siyang nawala doon pero pakiramdam niya ay isang taon na. Napabuntong hininga siya. Kahit na napakaikli pa lang ng panahon na pananatili niya roon ay talagang naging pamilyar na siya rito.Dahan-dahan siyang pumasok at iniikot ang paningin sa loob, napakalaki ng bahay ngunit siya lang ngayon mag-isa ang narito. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi maisip si Sevi ng mga oras na iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo at dumiretso sa kanyang silid upang makapagpahinga na dahil pagod pa siya sa kanyang byahe.~~~~~SUSURAY suray na naglakad si Addie papunta sa banyo. Kagigising niya lang ng mga oras na iyon at hindi siya nag-set ng alarm niya ngayon dahil wala pa naman ang amo niya. Hindi naman sinabi nito sa kaniya kung kailan ito darating kaya hindi niya alam kung kailan ito uuwi.Pagkatapos niyang gawin ang mga kailangan niyang gawin ay bumaba na siya sa kusina ngunit nasa


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




