Inaasahan ko na tatango siya, na bibitawan niya ako para makatayo ako at maipagluto siya ng kahit anong mainit para sa sinat niya. Pero bago pa ako makagalaw, biglang humigpit ang kapit ng kaliwang braso niya sa baywang ko. Sa isang banayad ngunit mapilit na hila, muli niya akong pinabagsak sa kaniyang dibdib."Lander..." daing ko nang mahina, pero hindi ko magawang lumaban."Dito ka lang. Please, Sef. Kahit ngayon lang," bulong niya. Ang boses niya ay basag, paos, at may kakaibang panginginig na ngayon ko lang narinig sa kaniya.Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko, humihinga nang malalalim, tila sinisigurado sa kaniyang sarili na hindi ako gawa sa hangin."Hindi mo alam kung gaano kalapit mabaliw, Sef," panimula niya."Noong unang buwan pagkaalis mo... f*ck, pakiramdam ko bawat sulok ng penthouse ko sa Manila, may multo mo. Hindi ako makatulog sa kama natin. Natutulog ako sa sahig, sa sofa, kung saan-saan, umaasang paggising ko ay nandoon ka."Naramdama
اقرأ المزيد