Asefeh’s POV"Sigurado ka na ba, Sef? Pwede naman tayong mag-extend pa ng isang araw kung nahihilo ka pa," pag-aalala ni Marco habang tinutulungan akong iligpit ang gamit ko."Ayoko na rito, Marco. Amoy gamot, amoy sakit. Gusto ko na sa apartment ko," sagot ko habang dahan-dahang isinusuot ang tsinelas ko. Gusto ko na lang magpahinga sa sarili kong kama, malayo sa mga monitor at lalong-lalo na, malayo kay Lander.Kahit narinig ko siyang ipinagtanggol ako laban kay Isabella noong isang araw, hindi pa rin no’n mabubura ang anim na buwan na paghihirap ko. Sabi ko kay Marco, huwag siyang magpapakita sa akin sa pag-discharge ko. Gusto ko ng tahimik na exit.Pero paglabas na paglabas namin ng hospital room, napatigil ako.Nakatayo sa tapat ng pinto si Lander. Hindi siya naka-suit. Naka-simpleng t-shirt lang siya na puti at maong, pero ang aura niya, parang pagmamay-ari niya ang buong hallway. Agad siyang lumapit at bago pa ako makapagsalita, kinuha na niya ang bag na bitbit ni Marco."Lande
آخر تحديث : 2026-05-11 اقرأ المزيد