Share

Kabanata 80

Author: Kaizo
last update publish date: 2026-05-27 12:18:29

Habang dahan-dahan kong tinatanggal ang madugong benda, naramdaman ko ang kaniyang kabilang kamay na humawak sa baba ko, pilit na iniangat ang mukha ko para magtagpo ang aming mga mata. Ang lambing na nakita ko kanina ay biglang napalitan ng pamilyar na dilim, ang parehong intensity na lumabas kagabi bago niya ako dinala sa kama.

"Sef," bulong niya, ang boses niya ay gumaralgal na naman sa matinding pagnanasa habang ang kaniyang hinlalaki ay dahan-dahang lumalandi sa gilid ng labi ko.

"Lander,g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 80

    Habang dahan-dahan kong tinatanggal ang madugong benda, naramdaman ko ang kaniyang kabilang kamay na humawak sa baba ko, pilit na iniangat ang mukha ko para magtagpo ang aming mga mata. Ang lambing na nakita ko kanina ay biglang napalitan ng pamilyar na dilim, ang parehong intensity na lumabas kagabi bago niya ako dinala sa kama."Sef," bulong niya, ang boses niya ay gumaralgal na naman sa matinding pagnanasa habang ang kaniyang hinlalaki ay dahan-dahang lumalandi sa gilid ng labi ko."Lander,g-gagamutin ko pa 'tong—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.Sa isang mabilis na galaw, hinila niya ang magkabilang braso ko at binuhat ako paitaas mula sa aking pagkakaluhod. Isinandal niya ako nang marahas sa gilid ng lamesa, dahilan para may ilang gamot na malaglag at gumulong sa sahig. Napaungol ako sa gulat nang maramdaman ko ang kaniyang matigas na katawan na agad sumiksik sa pagitan ng aking mga hita."F*ck the bandages," gigil niyang mura, bago niya sinakop ang mga labi ko ng isang ma

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 79

    Sa bawat segundong lumilipas, tuluyan nang nawala ang lahat ng kontrol na pilit naming pinanghawakan sa buong maghapon. Ang natira na lang sa pagitan namin ay ang mapangwasak na pagnanasa na anim na buwang nabaon sa galit at matinding pangungulila.Muli niyang sinakop ang aking mga labi nang mas malalim, mas agresibo, na tila ba doon lang siya makakahinga nang tama. Ang kaniyang may bendang kamay ay mariing nakadiin sa aking panga, hindi iniinda ang sakit ng kaniyang sugat, habang ang kabilang kamay niya ay mabilis na humawak sa aking balakang para i-angat ako lalo sa kaniya."Lander..." Isang mahinang ungol ang nakatakas sa mga labi ko nang maramdaman ko ang kaniyang bigat at ang init ng kaniyang balat na dumidikit sa akin. Ang bawat haplos niya ay marahas ngunit puno ng desperasyon. Walang halong dahan-dahan. Ang bawat paghila niya sa aking katawan ay may kasamang puwersa.Hinila niya ang natitirang harang sa pagitan naming dalawa nang walang pag-aalinlangan. Naramdaman ko ang pangi

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 78

    "Totoo ba ang mga 'yun, Lander?" tanong ko, diretsong nakatingin sa kaniya, hinahanap ang anumang bakas ng pag-aalinlangan.Inabot niya ang kamay ko, maingat na pinisil ito gamit ang kaniyang palad. "Lahat ng 'yun, totoo. Mas gusto ko pang maging maysakit dito basta't kasama kita, kaysa maging malusog at mayaman pero mag-isa lang ako."Umiwas ako ng tingin para itago ang pamumula ng aking mga pisngi at ang mga luhang muling nagbabadyang pumatak. Pero bago ko pa man maiiwas ang mukha ko, naramdaman ko ang marahang paghila ng kaniyang kamay sa braso ko. Dahan-dahan niya akong iniangat hanggang sa mapaupo ako sa gilid ng kaniyang papag. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Ramdam ko pa rin ang natitirang init ng kaniyang lagnat, pero ang init na nagmumula sa kaniyang mga mata ay mas matindi."Sef..." bulong niya. Ang kaniyang boses ay parang isang gasgas na hiling na matagal nang nakabaon sa kaniyang lalamunan.Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa isang pikit-mata, binuwag na ni Lander a

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 77

    Naiwan akong nakatayo sa kusina, nakatitig sa kawalan habang naririnig ko ang mabibigat na hakbang ni Lander patungo sa beranda. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko, at ang tibok ng puso ko ay parang ayaw kumalma.Muntik na, sa loob-loob ko. Isang segundo na lang, kung hindi niya pinigilan ang sarili niya, baka tuluyan na akong bumigay. At ’yun ang ikinakatakot ko, ang katotohanan na sa kabila ng lahat ng sakit, may bahagi pa rin sa akin na sabik sa kaniya.Ipinagpatuloy ko ang paghahain, pilit na ibinabalik ang isip ko sa realidad. Paglipas ng sampung minuto, sumunod ako sa beranda para tawagin siya. Tahimik kaming kumain. Walang nag-ungkat sa nangyari sa loob ng banyo o sa gilid ng lababo. Pero ang bawat pagdampi ng kubyertos at ang bawat sulyap sa isa't isa ay puno pa rin ng hindi sinasadyang kuryente.Nang matapos ang gabi, nahiga ako sa kama habang siya naman ay pumwesto na sa kaniyang masikip na papag sa sala. Nakikinig ako sa tunog ng aking paghinga sa labas, naghihintay na d

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 76

    Sa bigat ng kaniyang hila, bahagya akong napaatras at napatingin sa kaniya nang may gulat. Nanatili siyang nakaupo sa sementong baitang, ngunit ang kaniyang hawak sa aking pulso ay mahigpit, hindi sapat para masaktan ako, kundi sapat para pigilan akong umalis. Tinitigan niya ako nang malalim, tila may gustong sabihin, bago dahan-dahang binitawan ang aking kamay nang makitang napatitig ako sa kaniya. Walang nagsalita sa amin, ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming paghinga bago ko tuluyang pinilit ang sarili kong lumabas ng banyo.Nang sumunod na lumabas si Lander sa banyo, pareho na kaming nakapagpalit ng tuyong damit, pero ang tensyon sa pagitan naming dalawa ay hindi pa rin nababawasan. Nakatayo siya malapit sa lamesa, dahan-dahang hinahaplos ang kaniyang nakabalot na palad habang nakatingin sa akin."Salamat sa pag-aalaga, Sef," sabi niya, ang tono niya ay pilit na ibinabalik sa normal, pero ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakatitig nang malalim.Hindi ako sumagot.

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 75

    Matapos pirmahan ang mga papeles na dala ni Marco, mabilis na pumasok si Lander sa banyo para gawin ang susunod niyang task, ang ayusin ang tumutulong gripo. Kinuha niya ang lumang toolbox na hiniram niya kay Aling Nena."Sef, nasaan nga pala 'yung selyo na binili ko kanina sa hardware?" sigaw niya mula sa loob, kasunod ng tunog ng mga bakal na nagkakabagkan."Nandoon sa ibabaw ng ref, Lander! Sandali, kukunin ko lang," sagot ko habang abala sa paghahalo ng niluluto kong ulam.Kinuha ko ang maliit na plastik ng thread seal tape at naglakad patungong banyo. Pero bago pa ako makarating sa pinto, narinig ko ang isang malakas na kalabog, kasunod ng malakas na singasing ng tubig at mahinang pag-ungol ni Lander."F*ck!"Mabilis akong pumasok at doon ko nakita ang kaguluhan. Mukhang biglang natanggal ang mismong ulo ng gripo habang pilit niya itong iniikot gamit ang lumang wrench. Dahil hindi pa nakasara ang main valve sa labas, ang tubig ay parang fountain na sumabog paitaas.Nakatayo si La

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status