Pagsapit ng ikapitong araw, napagpasyahan ni Mildred na kausapin na si Damon.Hindi na siya makapaghihintay. Hindi na niya kayang pumasok araw-araw sa opisina nito at magkunwaring walang pakialam sa mga nangyayari. Kailangan niyang malaman kung may paraan pa ba para maibalik siya sa kumpanya ni Emerson; at kung wala, kailangan niyang tanggapin iyon at magpatuloy sa buhay.Maaga siyang pumasok sa opisina. Sa pagkakataong ito, inayos niya ang lahat ng dokumentong nakatambak sa mesa. Tinapos niya ang mga gawaing ilang araw ding ipinagpaliban at inayos ang mga folder na nagulo.Hindi niya gustong maging dahilan ng problema ng ibang empleyado. Sapat na ang ginawa niyang panggugulo sa sarili niyang trabaho.Nang matapos, tumayo siya at huminga nang malalim. "Okay, Mildred. Kaya mo ito."Kumatok siya sa pinto ng opisina ni Damon. Ngunit bago pa man siya makapasok, narinig niya ang tinig nito. May kausap ito.At nang marinig ang sumunod na boses, kusang natigilan ang kamay niyang nakahawak sa
Last Updated : 2026-10-28 Read more