HABANG PINAPANOOD NA magyakapan ang kanyang mag-ina ay hindi nakatiis at tumayo na si Leon at marahan na lumapit sa kanila. Nais niya sanang makiyakap, iyon nga lang ay inunahan na siya ng hiya.“Shall I have someone bring you some food, Jax?” malambing na tanong ni Leon sa anak na mahigpit pa rin ang yakap kay Gail, halatang sabik na sabik sa ina.“No, Dad, gusto ko ng luto ni Mommy.”Nilingon ni Leon si Gail, base sa hitsura nito alam niyang pagod ito maghapon at kalabisan kung uutusan niya pang magluto ng pagkain ng anak nila. Bago pa magsalita si Leon ay inunahan na siya ni Gail.“Kumain ka muna ng kahit anong pagkain na nariyan, Jaxon. Mom will make your food next time. Gutom ka na at at kung magluluto pa ako, matatagalan iyon.” maayos na pakikipag-usap ni Gail sa anak ng hindi ito masasaktan sa kanyang ginagawang pagtanggi. “Pangako iyon ng Mommy, sa ngayon kung ano ang pagkaing nasa hapag iyon ang kakainin.”Tiningnan muna ni Jaxon ang ama. Iyong tipong hinihingi nito ang kanya
Baca selengkapnya