NANUYO ANG LALAMUNAN ni Gail sa kanyang narinig. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa sinabi ng anak. Kaarawan niya sa araw na iyon at hindi man lang siya nito naalala? At ibang tao pala ang iniisip ng anak habang ginagawa.“Daddy also ordered gifts for Tita Nica, tomorrow—” “Anak, natatandaan mo ba kung kailan ang birthday ng Mommy?” putol ni Gail habang hirap ng huminga, gusto niyang malaman ang sagot ni Jax kahit naguguni niya na parang mali ang isasagot ng anak.“Ha? Birthday mo, Mommy?” “Yes, birthday ng Mommy, alam mo ba kung kailan?”Tiningnan ni Jax ang mukha ng ina at nakita niyang malungkot ito. Hindi na siya umiling, baka lalong malungkot ang ina kapag sinabi niyang hindi alam. Muling bumaba ang mga mata ng bata sa papel na nilalagyan ng kulay. Ilang beses niyang inisip ang birthday ng ina. Saglit na may gumuhit ng pagtataka sa musmos niyang mukha, na agad din namang nawala nang magsimula siya ulit na magkulay doon. “Jax? Hindi mo sinagot a
Última atualização : 2026-02-04 Ler mais