NATIGILAN SA KANYANG ginagawa si Leon at sinandal na ang pagod na likod sa upuan nang marinig niya iyon. Nagpapaalam ba si Gail sa kanya o may inaalam ito?“May iba ka bang plano ngayong gabi? Alam mo na, baka mag-doble. Masasayang lang dahil walang kakain. Sabihin mo sa akin kung mayroon para masabi ko kay Mommy nang hindi niya na ipilit pa.” Nahuhulaan ni Gail na hindi papayag si Leon na dalhan niya ng pagkain. Syempre, effort ang masasayang. Iyon naman ang gusto niyang sabihin ng asawang si Leon. Ang pigilan siya at tumanggi ito nang sa ganun ay hindi masayang ang effort niya. Pagod din siya at kailangan niyang maagang magpahinga. Saka gusto niyang bigyan ng oras si Jaxon makausap kung kaya naman ang nais niyang sabihin ni Leon, may iba siyang plano ngayong gabi. “Okay, sabihin mo kay Mommy na—”Biglang narinig ni Gail sa background ang boses ni Nica. Aba, at kasama pa pala niya ang step-sister niya.“Leon, nandiyan na ang order natin na pagkain!” medyo malakas iyon na para bang
Read more