BUMALIK SA LOOB ang grupo nina Gail upang harapin ang ibang pumunta doon. Namataan niya ang asawang si Leon ngunit hindi siya nangahas na lumapit sa kanila. Hindi rin naman pumunta si Leon. Sa ibang mga taong naroon na hindi alam ang namamagitan sa kanila, estranghero sila. Buong akala ni Gail ay umalis na ang grupo nina Nica, ngunit bumalik pa sila sa loob. Papaunahin niya sanang paalisin ang mga magulang ngunit hindi sila pumayag. Sumama sila pabalik ng loob. Wala namang nagawa si Nica na ang isip na ng babae ay naroon si Gail at hindi pa rin noon umaalis si Leon dito.“Gusto mo bang kausapin si Gail, Dad?” “No, pero interesado akong kausapin ang boss niya. Malay mo mailakad kitang tanggapin sa Spark Mind Corporation.” “Well, gagawin mo iyon Dad?” “Of course, let’s go. Humanap tayo ng tamang pagkakataon.” Nang pumunta si Gail sa restroom, sinamantala iyon ng pamilya. Nilapitan nila si Nicolas. “Hi, Mr. Villalobos. My name is Octavio Espinoza, ama ni Gailyn. It’s a pleasure to m
Last Updated : 2026-03-02 Read more