Lumabas ako ng kwarto. Maglalakad na sana ako papunta sa kitchen area nang marinig ko ang boses ni Rio. Natigilan ako.“Rajan, why did you propose my design abroad? Ginawa ko ’yon para ipatayo dito sa Pilipinas,” rinig kong inis niyang sabi.“Rio, listen to me. Hindi tinuloy dito ang project mo. They chose another design,” rinig kong sabi ng kausap ni Rio. Mahina lang ang boses noon. Lumapit ako para tingnan ang ginagawa ni Rio at saka sumilip. He was having a video call. Nasa couch siya at nakayuko sa laptop. He was pissed off.“And you know what’s funny? Galing pa sa engineering team ng kumpanya ng lolo mo,” dagdag ng kaibigan niya.Kita kong nagdilim ang mukha ni Rio.“They’re sabotaging us,” Rajan continued. “Hindi nila hahayaang magtagumpay ka rito.”“Then find another client,” malamig na sagot ni Rio. “Hindi lang iisang developer ang meron sa Pilipinas. I want my design built here.”“The budget abroad is way bigger than what they’re offering here,” rinig kong sagot ni Rajan sa l
Read more