Nanlalamig akong bumababa ng hagdanan namin. Naabutan ko si Tita Lumi at Ashley sa baba. Nakatingala sila sa portrait ni Mommy sa sala. “Mom, you should change this portrait,” ani Ashley. Kita kong tumango si Tita Lumi. “That’s my mother’s portrait. Wala iyang ginagawa sa inyo!” I said bitterly. Napalingon silang dalawa sa akin. Walang bakas na makikita kay Ashley na umiyak siya. Tita Lumi smiled at me sadly, na para bang hindi niya ako sinampal kanina. “Thalia, it’s for your Dad’s sake. Nalulungkot lang siya kapag nakikita niya ito. Your mother’s dead. Wala na siyang magagawa. Mas mabuting palitan ko na lang ito ng portrait ko,” ani Tita Lumi. “We were just concerned about Dad’s health,” dagdag ni Ashley. I looked at them hatefully. “Really? O gusto niyo lang kunin ang lahat ng nandito sa bahay?” Mahinang tumawa si Tita Lumi. “That’s just how you see it kasi malungkot ka ngayon. But Thalia, we were really just concerned about your Dad.” The manipulation reeked from them, a
Última atualização : 2026-02-05 Ler mais