Kinabukasan, maaga akong nagising. Maaga rin akong natulog kaya dapat lang iyon.Pagmulat ko, agad kong naalala na ngayon iyong kasal namin ni Rio. Dali-dali akong umupo sa kama para tingnan ang mga box sa sahig. Naroon pa rin sila!Totoo na ito! Ikakasal na ako sa kanya.Pero bago pa ako makababa sa kama, may kumatok sa kwarto ko. A smile crept to my lips thinking it was Rio.Pero pagbukas ko ng pintuan, ito iyong iilang babae na sakay ng boat. Ang isa sa kanila ay may dalang pagkain. Ang isa ay may dalang mga makeup at iba pang kagamitan pang-ayos.“Good morning, ma’am. Pwede na po ba namin kayong ayusan? Sabi ni Sir, alas-diyes ang kasal niyo. Alas-siyete na po. Baka kulangin sa oras,” sunod-sunod na sabi ng may dalang mga makeup.My lips parted.“Hindi pa po ako nakakaligo,” medyo nagpapanic kong sabi.Pero ngumiti lang sila. They didn't pressure me.“Okay lang, ma'am. Pwede pa po kayong maligo. Heto rin po ang breakfast niyo, pinapabigay ni Sir.”Nilakihan ko ang awang ng pintuan
Read more