Chapter 21 INTRAMUROS. Nakakailang ikot na si Jorge doon, pero hindi niya makita ang sadya. Hinahanap niya si Sam, dahil alam niya, doon niya ito huling nakita. Ibig nang mainip ni Jorge. Talagang aalis na sana siya, nang mamataan ang sadya. Kaagad siyang bumaba. Tinawag niya ito. "Natatandaan mo pa ako?" "T-teka, diba? Ikaw iyong.." "Yong nagpainom sayo, maraming pulutan at nagbigay sayo ng pera para sa iyong istorya." "Ah, oo, yong manunulat. Paano mo ako natunton dito?" "Lagalag talaga ang isang manunulat, kailangan namin yon." "May kailangan ka pa ba? Yong isa kong istorya, babayaran mo?" "Oo, babayaran ko. Magkita tayo sa Rizal Park bukas ng gabi. Mga alas-diyes, pwede ka?" "Bakit di pa ngayon? Walang-wala ako, eh." Dumukot si Jorge, iniabot sa kaharap. "Oh, pansamantala, gastusin mo muna. Pero bukas tiyakin mong darating ka. Tandaan mo..." "Bukas ng gabi, Rizal Park. Alas-diyes. Darating ako." --- Nagtuloy si Jorge sa condo ni RiaMae. Niyaya niya itong luma
Last Updated : 2026-02-24 Read more