LOGINMatapos mamatay ang kanyang asawa, isinubsob ni Lovely Ramirez, isang matagumpay ngunit malamig na negosyante, ang sarili sa trabaho. Sa kabila ng kayamanan at kapangyarihan, nananatiling hungkag ang kanyang puso—tila ba nakalimutan na niya kung paano muling magmahal at maging masaya. Samantala, ang kanyang matalik na kaibigang si Annica, isang mapangahas, mapaglaro, at mapusok na babae, ay naniniwalang ang buhay ay dapat tinatamasa—lalo na pagdating sa pag-ibig at kaligayahan. Para sa kanya, ang sikreto ng kabataan at sigla ay simple: pag-ibig, lalaki, at walang pagsisising pagnanasa. Sa hangaring gisingin muli ang natutulog na damdamin ni Lovely, hihilahin siya ni Annica sa isang mundong puno ng tukso, aliw, at mga lalaking maaaring magpabago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit sa gitna ng mapaglarong laro ng pag-ibig, isang lalaking hindi inaasahan ang sisira sa mga pader na matagal nang itinayo ni Lovely—isang lalaking kayang magpabalik ng sakit, alaala, at higit sa lahat… pag-asa. Sa larong ito ng damdamin at pagnanasa, sino ang mauunang matalo? Sino ang mauunang umibig? At hanggang saan handang sumugal ang isang pusong matagal nang nagsara? Isang kuwento ng pagtuklas sa sarili, muling pag-ibig, at mapanganib na mga desisyon—dahil sa mundong ito, hindi lahat ng laro ay panalo… ngunit minsan, ang pinakamapanganib na pustahan ang nagdadala ng tunay na kaligayahan.
View More"Isang tanong lang... Magpalit kaya tayo nang katayuan, INA mo ang ginawan ng masama... Bilang ANAK, ano sa akala mo ang gagawin mo? Alam ko, inaamin ko, totoo... Naging bahagi ako nang isang plano. Pero lumalabas na hindi pa rin ako ang pumatay kay RiaMae. Si Sam! Sila ang may utang sa isa't-isa, kaya sila ang nagsingilan sa isa't-isa." Nakadama ng pangangalog nang tuhod si RaiLen. Totoo, maraming naikwento si RiaMae sa kanya, halos na nga lahat naikwento nito. Subalit ang narinig niya kay Jorge, bago lahat sa pandinig niya. Ni wala siyang alam sa ginawang kasalanan ni RiaMae kay Sam noon... kay Lovely. Para sa kanya, lahat lang nang sinasabi ng Ate niya ang pinaniniwalaan niya. Napatingin siya sa coin sa kanyang paanan. Nailing siya. Totoo, dalawa ang mukha nang coin. Hindi mapatid-patid ang kanyang luha. Ang alam lang niya, lumuwag ang pagkakahawak niya sa patalim na hawak. Hanggang sa bumagsak iyon sa lupa. Para siyang nanghina... At unti-unting napaupo sa kinatatayu
Lumapit pa, malapit na malapit kay RaiLen. "SIGE, PATAYIN MO AKO... AT NANG SA DAKONG HULI PAGSISIHAN MO ANG ISANG PAGKAKAMALI NA KAILANMA'Y HINDI MO NA MAIBABALIK." Napaatras si RaiLen. Ganon katatag ang kaharap, walang takot na mamatay. Ni wala itong balak na lumaban o ipagtanggol ang sarili. Ni hindi ito kumikilos upang iligtas ang sarili at labanan siya. Ni wala manlang kabangisan na mababanaag sa mukha nito. Sa halip, ang nakikita niya ay ang katapatan sa lahat nang mga sinasabi nito. "Iyo ang lahat ng karapatan upang magsalita." ang tanging nasabi na lamang ni RaiLen sa nakitang katatagan nang kaharap. "Malaya kang magsalita, pero ang desisyon at paniniwala... Akin pa rin!" dugtong pa ng dalaga. "Salamat," malumanay na tugon ni Jorge. "Makinig ka! Pakinggan mong mabuti ang isang totoong kasaysayan. At para maunawaan mo sisimulan ko sa simula, upang di ka maligaw. Iyon ang hindi mo alam, kung saan nagsimula ang lahat. Makinig ka, RaiLen Valdez." Sinimulan ni Jorge an
Sinasamba nito si RiaMae, iniidolo. Ang sagupain niya ito sa ganitong pagkakataon ay isang malaking pagkakamali. Dumukot si Jorge sa bulsa, may nakapa pa siyang mga barya. Coins. Kumuha siya ng isa. At inihagis sa paanan ni RaiLen. "Handa na akong mamatay, RaiLen. Kung iyan ang matagal mo nang pinapangarap." panimula ni Jorge. "Siguro nga, sadyang hinanap ko na rin ang aking kamatayan sa pagpunta ko dito. Tulad ni RiaMae, matalino ka rin, matatag at planado ang bawat galaw." Matatag din si Jorge. Buo ang loob. Matapang. Nakikipagtitigan sa kamatayan. Nagliliyab ang mga mata ni RaiLen. Palipat-lipat ang kanyang mga mata kay Jorge at sa coin na inihagis nito sa kanyang paanan. Ibig niyang malaman ang ibig sabihin noon. "Bakit mo inihagis sa aking paanan ang coin?" may kasabikang tanong ni RaiLen. "Mahalaga pa ba iyon?" ganting tanong ni Jorge. "Ang puso mo'y naglalagablab sa poot. Ang dibdib mo'y nagliliyab sa galit. At ang kabuuan nang iyong katawan ay nanginginig sa is
Maliit na bahay, pero maayos. Ang hardin, malinis at maayos na maayos din. Medyo kinakabahan na si Jorge. Hindi na maiiwasan ang paghaharap nilang muli ni RiaMae. Panay ang linga niya. Walang tao. Wala naman siyang mapagtanungan. Napatingin siya sa taas. Mula sa burol, may nakita siyang babae. Nakatayo. Nakaharap ito sa tila isang puntod. Nagpasiya si Jorge na umakyat sa burol. Palapit nang palapit. Hindi niya alam kung bakit? Pero sumigid ng todo ang kaba sa kanyang dibdib. Nakatalikod ang babaeng sa tingin niya ay nagdarasal sa harap nang puntod. Hindi maaaring magkamali si Jorge, si RiaMae ang nasa harapan niya. Kahit pa sabihing nakatalikod ito sa kanya. Hindi kumibo si Jorge. Iginalang niya ang pagdadasal ng babae. Ano ba't napadako ang mga mata niya sa pangalan nang puntod. At malinaw na nabasa niya... RIAMAE VALDEZ Na-doble ang gulat ni Jorge nang kahit na nakatalikod at nakayuko ay nagsalita ang babae. "Kumusta ka, Jorge?" panimula nito na tinapos na an
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.