"OH, ANO? TALAGA BANG SIYA NGA IYON?" "Palagay ko, Ninang. Pati mga nunal ko sa katawan nabanggit niya. Wala namang ibang nakakaalam non, liban sa mga nakatalik ko na at kay Mommy." "ANO ANG NARAMDAMAN MO NANG MAKAHARAP MO NA?" "Todo ang kaba ko, Ninang. Talagang siyang-siya. Walang duda." "EH, SINO ANG NAMATAY? SINO ANG NAKITA NATING INILIBING?" "Yan ang tutuklasin ko, Ninang. Magkakaalaman din." --- Nahukay ang libingan ni RiaMae nang makakuha nang permiso si Emil Denilla sa mga kinauukulan. Naiahon ang kabaong... At nang buksan ito... WALANG LAMAN!! Gulat na gulat si Jorge. "Paano nangyari ito, Mr. Denilla?" tanong niya sa Private Investigator. "WALANG LAMAN. IBIG SABIHIN WALANG INILIBING DITO." dugtong pa ni Jorge. "Ibig sabihin, buhay pa nga si RiaMae Valdez." "At talagang gagantihan niya ako, kami ni Ninang. Hindi ako makapapayag. Aalamin ko lahat-lahat, bago pa niya ako maunahan. Sabihin mo sa akin kung saan mo siya huling nakita, Mr. Denilla?" --- SAMPALOC.
Last Updated : 2026-03-08 Read more