“Ah! Anderson!” paulit-ulit kong daing simula pa lang nang nasa byahe kami. Napapikit na ako sa sobrang sakit ng aking tiyan. Nakarating naman kami agad sa hospital pero parang may sumusuntok sa tiyan ko na hindi ko na kinakaya pa ang sakit. “Shhh… you can do it, baby. Nandito lang ako,” natatarantang sabi ni Anderson. Bakas ang panic sa kanyang mukha. Dinaluhan agad ako ng doctor, maraming ginawa sa akin para kumalma ako at mawala ang sakit, hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari dahil nasa isip ko lang ay ang kalagayan ng anak ko. Hindi rin ako makapaniwalang nakakausap ni Amira si Adrian. Kailan pa? Kailan pa niya alam na buhay si Adrian? Hindi umalis si Anderson sa tabi ko, matindi ang kapit ko sa kanyang kamay. Nang matapos na ang ginagawa sa akin, humarap sa akin si Anderson at hindi pa rin bumibitaw sa aking kapit. “Sir, we need to talk first,” biglang sambit ng doctor. Mas lalong umapaw ang kaba sa aking katawan. Takot kong tiningnan s
Huling Na-update : 2026-03-18 Magbasa pa