“Buntis si Amira,” panimula kong balita kay Anderson.Diretso lamang ang tingin niya sa akin.Walang pag-iwas.Walang pagtatago.Pero nakita ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, parang may bigat na bumagsak sa kanyang dibdib.“Anong gagawin ko, Anderson?” mahina kong tanong.Hindi ko na kayang maging matatag sa harap niya.Sa harap ng lahat, kaya ko.Pero sa harap niya, hindi.“We should ask Amira,” sagot niya, mahinahon. “Kung anong gusto niyang gawin para sa sarili niya at sa dinadala niya, ‘yon ang gagawin natin.”“Gustong magpalaglag ni Amira,” malungkot kong sabi.Tahimik siya sandali.Pagkatapos ay lumapit.Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, marahang hinaplos, parang sinusubukang pakalmahin ang pagyanig sa loob ko.“Hindi natin siya mapipilit sa kung anong gusto niya,” sabi niya.“Pero bata pa siya,” sagot ko. “Hindi pa siya handa.”“At sigurado ka bang handa ang kahit sino?”Napahigpit ang hawak ko sa damit ni
最終更新日 : 2026-02-22 続きを読む