Maaga akong ipinatawag ako ni Victoria sa maliit na tea room sa likod ng bahay. Isang silid na bihirang gamitin, tahimik, at laging amoy dahon ng tsaa at lumang kahoy. Ang uri ng lugar kung saan hindi ka iniimbitahan para magkwento kundi para pakinggan.Nakatayo siya sa may bintana nang pumasok ako. Nakaayos, elegante, walang bakas ng emosyon sa mukha. Parang hindi siya ang babaeng tumitig sa akin noong gabing nagkahawak ang kamay namin ni Sebastian.“Umupo ka, Althea,” sabi niya, hindi lumilingon.Umupo ako.Maayos. Diretso. Handa.“Hindi kita ipinatawag para pagalitan,” dagdag niya. “Ayokong mali ang unang akala mo.”Tumango ako. “Naiintindihan ko po.”Ngumiti siya nang bahagya. Isang ngiting hindi ko alam kung kanino ba ito, sa akin, o sa sarili niyang desisyon.“Maraming mata ang nakatingin sa pamilyang ito,” sabi niya. “At kapag pumasok ka rito, awtomatiko kang bahagi ng lahat ng iyon.”“Opo,” sagot ko.“Tahimik ka,” dagdag niya. “At iyan ang gusto ko.”Nanlamig ang batok ko.“Pe
Last Updated : 2026-02-11 Read more