LOGINMaraming salamat po sa patuloy na pagsuporta.
“Team Alpha, stay in position. Walang gagalaw hangga’t hindi ko inuutos. Copy?”Mahina ngunit malinaw ang boses ko sa radyo habang nakatitig ako sa lumang simbahan na nakatayo sa gitna ng dilim. Halos kainin na ito ng panahon. Ang pintura ay kupas na, ang bubong ay bahagyang sira, at ang paligid ay napapalibutan ng matataas na puno na tila nagsisilbing panangga sa anumang lihim na itinatago nito.“Copy, Boss,” sunod-sunod na sagot mula sa radyo.Nakatayo ako sa likod ng isang itim na sasakyan, kasama si Mateo na nakatingin din sa parehong direksyon. Pareho naming alam na hindi ito simpleng rescue operation. Ito ay bitag. At kahit alam namin iyon, kailangan naming pasukin.“Thermal readings?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa simbahan.“Multiple heat signatures inside,” sagot ni Mateo habang nakatingin sa tablet. “At least lima hanggang pito. Isa sa kanila… posibleng si Adrian.”Napahigpit ang hawak ko sa baril.“Posible lang?” malamig kong sagot.“Hindi siya basta-basta nagpap
“Ano bang gagawin ko?” tanong ko sa aking sarili. Hindi ko na alam pa kung ilang beses na akong nagpabalik-balik sa paglalakad dahil kawalan ko ng ideya kung anong sasabihin ko kay Anderson. Malakas ang kutob ko na napansin niya ang aking pagkabalisa kanina pagkatapos namin sa hospital. Mas lalo pa akong natakot nang magkabanggaan sila. Hindi ko alam kung sino ang bumanga pero nagawa kong agawin ang atensyon ng asawa ko para sa ikaliligtas ng kapatid at pamangkin ko. “Ito na nga ba ang kinakatakot ko….” bulong ko pa. Nasapo ko ang aking noo at malakas na bumuntong hininga. “Pumunta ka ngayong gabi sa address na ibibigay ko sa’yo kung gusto mo pang makita ang pamangkin mo. Siguraduhin mo lang ikaw mag-isa kung ayaw mong mapahamak pati ang kapatid mo,” pababanta ni Adrian. Tandang-tanda ko ang bawat salitang binitawan niya at ang pananakot na hanggang ngayon nakatanim na sa aking sistema. Mas desperado na siya at mas determinado sa kanyang gustong gawin.Napahawak ako sa aking tiy
Anderson’s POVWalang mapaglagyan ang aking saya nang makita ang anak ko na maayos at malusog. Masaya rin ako dahil maayos ang pagbubuntis ni Althea kahit pa ang daming problema at stress. Kaya ganun na lang nawala ang ngiti sa aking labi nang hindi ko makita ang asawa ko sa huling pinag-iwanan ko sa kanya. “Kuya, may nakita ba kayong babae na nakatayo dito kanina? Buntis na maganda at maliit ang katawan?” describe ko sa guard ng hospital. “Ay, Sir. Bumalik po ulit sa loob. Dumeresto po siya doon,” sagot ng guard sabay turo deresto sa hallway. Kaagad akong napakunot noo dahil bakit babalik si Althea doon? Alam kong hindi basta-basta aalis ang asawa ko nang walang dahilan lalo pa ngayon. “Siya lang ba mag-isa?” Mabilis na sumang-ayon ang guard. “Oo. Siya lang po, Sir.”“Salamat po,” sabi ko at nagmamadaling lumakad papunta doon. Lumibot ang paningin ko sa paligid, dali-daling hinanap ang aking asawa ngunit wala akong makita. Maraming tao ang pabalik-balik sa hallway at halos isa-
Althea’s POVGustong-gusto kong puntahan si Amira pero ayokong magalit ang asawa ko at maisip niya na nilalagay ko na naman sa kapahamakan ang anak namin. Galing kaming hospital kanina para magpa-checkup at maayos naman ang lagay ng anak ko. Iyon nga lang, dapat talagang maiwasan ko ang matinding stress at pagod.“I just need you to sign this. Na-review ko na naman ‘to. This upcoming project will be huge, Althea,” paliwanag sa akin ni Mara.She’s been consistently guiding us especially right now that I am two months pregnant. Hindi na ako nagdalawang isip pa na pumirma. “Thank you. Hopefully, by next month makapag-work na rin ako. Excited pa naman ako para sa project na ‘yan.”Tinapik niya ang aking balikat. “Hintayin lang namin matapos ang first semester ng pagbubuntis mo. Medyo maselan ka kasi. But I got you,” aniya ni Mara at kumindat pa. Muli akong naiwan sa kwarto, mag-isa at walang kasama kapag ganitong oras. May trabaho si Anderson at abala sa kompanya niya. Si Mateo naman,
Anderson’s POVNagbilin ako kay Althea na huwag lalabas ng kanyang kwarto hanggang sa makabalik ako. Hindi ko na pwedeng palampasin pa ang ginawa ng kanyang kapatid dahil nakasalalay ang kaligtasan ng asawa at anak ko sa taong hindi ko lubos mapagkatiwalaan. Alam ko nang may tinatago si Amira pero mahirap patunayan dahil kay Althea at Hope. Medyo nag lielow siya nung nanganak pero ngayon, tila nagbabalik na naman ang tunay niyang agenda. I know Amira was abused by Adrian, but I know she was in love with him. I saw it all. Pero akala ko magbabago na rin siya, na dahil sa pang aabuso ni Adrian sa kanya at pag-iwan, kakalimutan na niya ito at pipiliing maging maayos ang buhay kaysa makipaglaro sa mapanganib na apoy. At mahirap kalabanin ang kapatid ng taong mahal mo. “Amira, just tell me the truth,” pagpipigil kong magalit sa kanya. “Nagsasabi nga ako ng totoo, wala akong alam,” paulit-ulit niyang pag deny. “Nasaan ba ang anak ko? Ano gagamitin niyo si Hope laban sa akin?” galit n
“Ah! Anderson!” paulit-ulit kong daing simula pa lang nang nasa byahe kami. Napapikit na ako sa sobrang sakit ng aking tiyan. Nakarating naman kami agad sa hospital pero parang may sumusuntok sa tiyan ko na hindi ko na kinakaya pa ang sakit. “Shhh… you can do it, baby. Nandito lang ako,” natatarantang sabi ni Anderson. Bakas ang panic sa kanyang mukha. Dinaluhan agad ako ng doctor, maraming ginawa sa akin para kumalma ako at mawala ang sakit, hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari dahil nasa isip ko lang ay ang kalagayan ng anak ko. Hindi rin ako makapaniwalang nakakausap ni Amira si Adrian. Kailan pa? Kailan pa niya alam na buhay si Adrian? Hindi umalis si Anderson sa tabi ko, matindi ang kapit ko sa kanyang kamay. Nang matapos na ang ginagawa sa akin, humarap sa akin si Anderson at hindi pa rin bumibitaw sa aking kapit. “Sir, we need to talk first,” biglang sambit ng doctor. Mas lalong umapaw ang kaba sa aking katawan. Takot kong tiningnan si







