Tumingala si Hiraya sa kanya at bahagyang tumango. Ngumiti si Miguel. “Kung ganoon, sabay na tayong umuwi mamaya.” “Sige,” malambing na sagot ni Hiraya sa asawa. Ang ama ni Cheryl Ochea na si Shanu Ochea, na nakatayo sa likuran nila, ay hindi napigilang magtanong. “Sir, sino po ang dalagang ito?” Napatitig naman si Miguel sa mag-amang Ochea bago buong lambing na hinawakan sa kamay si Hiraya. “My wife.” Ang simpleng salita niya ay parang kulog na biglang bumagsak sa pandinig ng mag-ama. Sa isang iglap, napunta ang tingin ng lahat kay Hiraya Namutla si Cheryl Ochea, halatang hindi makapaniwala. Bahagyang namula ang pisngi ni Hiraya. Hindi niya inaasahan na ganoon kadirektang ipapakilala ni Miguel ang kanilang relasyon sa harap ng ibang tao. Muling nagsalita si Miguel para pormal na ipakilala sila sa isa't -isa. “Ito si Cheryl Ochea, ang pinuno ng Ochea Group, at ito naman ang ama niya, si Shanu Ochea.” “Hello po,” magalang na bati ni Hiraya. “Hello, Mrs. Vi
Read more