“Arison,” marahang tawag ni Serene habang pababa siya ng hagdan, dahan-dahan lang ang hakbang niya.Agad naman na lumingon si Arison at halos mapunit ang panga sa kakangiti, nagniningning din ang mga mata niya habang tinitignan si Serene mula ulo hanggang paa.“Bagay ba sa akin?” nahihiyang tanong ni Serene lalo na at kung makatingin si Arison sa kaniya ay animo’y buong pagkatao niya ang tinitignan nito.“Bagay na bagay, sobrang ganda mo…” namamanghang tugon ni Arison sa kaniyang asawa. “Darling, hindi ko akalaing may igaganda ka pa lalo.” Humakbang siya palapit kay Serene ay kinulong niya sa bisig niya. “Sobrang s’werte ko at ikaw ang asawa ko,” bulong pa niya at paulit-ulit na hinalikan ang gilid ng ulo niya.“Sobra naman ang reaksyon na ‘yan, Arison,” natatawang kumento ni Serene pero gumanti rin naman sa yakap ni Arison, binaon ang mukha sa dibdib ni Arison at marahan na pumikit. “S’werte rin ako sa’yo,” bulong niya at nangiti na.“May isa pa akong ibibigay sa’yo, halika muna rito
더 보기