“Ang batang ‘yan, hindi siya nagkaroon ng interest sa kahit na sinong babae simula nang bata pa siya pero noong nakilala ka niya, hindi ka na nawala sa isip niya at palaging ikaw na lang yata ang laman ng utak niya,” natatawang kwento ni Arya. “Ilang beses na nilang pinagtalunan ng ama niya ang tungkol sa babaeng gusto niya lalo na at gusto ng ama niyang i-arrange marriage siya, kaya huwag kang mag-alala,” kinikilig na dagdag pa niya.Napaangat ang tingin ni Serene kay Arison. Agad naman itong napaiwas ng tingin si Arison kay Serene. Natawa na lang siya sa panlalaglag sa kaniya ng kaniyang ina. Namula na rin ang tainga niya. Hindi naman niya itinatago ang pagmamahal niya para kay Serene ngunit ang marinig mula sa ibang tao kung gaano siya ka-in love ay iba pala.“Isa pa, kung may gawin man siyang hindi mo nagustuhan, huwag kang mag-alala, sabihin mo lang sa akin at ako na ang bahala sa kaniyang magalit at pagsabihan siya,” bilin pa ni Arya na ikinangiti ni Serene dahil ramdam nito ku
Read more