“A wedding ceremony?” pag-uulit ni Serene sa kaniyang narinig. “B-Bakit biglaan naman po?”“Hindi naman, tama lang ‘yon. Mag papa-schedule ako sa designer. Kayong dalawa na ni Arison ang makipag usap para masabi ninyo ang gusto ninyo sa designer,” paliwanag muli ni Arya.“Ah… okay po, mommy. P-Pasensya na po sa abala,” nahihiyang sambit ni Serene.“Nako, wala lang ‘yon. Kung para sa kasal ninyo ni Arison ay hindi abala ‘yon sa akin, huwag kang mag-alala. Sige na at may mga gagawin pa ako. Babye!” paalam ni Arya at pinatay na rin ang tawag.Napatulala si Serene sa screen ng cellphone niya at napakurap. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabalitaan lalo na at sa ina pa ni Arison niya ito narinig at hindi sa mismong sa asawa niya.“Wedding ceremony,” muling ulit ni Serene. Bigla siyang napatitig sa kawalan.~~~~“Darling, I’m back! Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong agad ni Arison pagpasok pa lang niya ng bahay. Agad siyang naupo sa tabi ni Serene na nakaupo sa sofa at nano
Read more