“Kayong mga lalaki ang hilig niyo palagi sa away,” wika ni Dami nang makalabas na sila ni Isco sa Pixel Brew. Tumingin siya kay Isco at sinabing, “Hindi ba pwedeng mag-usap nang mahinahon?” Sumunod naman siyang tumingin kay Timo at sinabing, “Ikaw naman.” Tumigil siya at ngumiti kay Timo saba’y hawak sa braso ko at hinila ako paalis sa kanila.“Ano? Hindi ka maka-imik kay Timo,” biro ko kay Dami at pasimpleng tinawanan siya.“Englishero eh, hindi kaya ng powers ko,” sagot naman ni Dami at tumawa din siya.“Wait for us,” wika ni Timo mula sa likuran namin ni Dami.“Tingnan mo, nag-english na naman siya,” biro ni Dami at lalo niyang binilisan lumakad. “Mauubusan ako ng dugo kapag kinausap ko si Timo,” dagdag niya pa at nakarating na kami sa terminal ng jeep.Huminto na kami ni Dami sa paglalakad kaya naabutan na kami nina Isco at Timo. Tumingin ako kay Isco at sinabing, “Pwede naman na kayong umuwi ni Dami, kaya ko na ito.”“Nag-message sa akin ang kuya mo na samahan ka namin sa byahe p
Last Updated : 2026-02-17 Read more