“Anong sabi mo?” tanong ko kay Timo kahit na narinig ko naman nang maayos ang sinabi niya. Gusto ko lang makasiguro na tama ang narinig ko mula sa kanya.“I said, liligawan kita!” sagot ni Timo at wala kang makikitang kahit ano sa mukha niya. “Joke ba to?” tanong ko maski alam kong hindi siya nagbibiro.“I'm not joking, Ash! I am deadly serious here,” sagot pa ni Timo.“Huh?” naguguluhan na tanong ko at sasagot na sana siya nang marinig namin ang boses ni mama sa may balcony.“Andito na pala kayong dalawa, tara na sa loob at mag merienda muna tayo,” akit ni mama sa aming dalawa ni Timo.“Thank you Mrs. Sullivan, but I need to go back to the cafe. Hinatid ko lang po si Ash dito,” sagot naman ni Timo at doon ko naalala na mag-overtime siya ngayong gabi.“Ingat ka!” wika ko sa kanya.“Think about what I said. I will give you a lot of time. See you tomorrow!” sabi ni Timo bago siya tuluyang umalis ng aming bahay.Lumakad na ako papunta sa may balcony at nag stop sa harapan ni mama para m
Last Updated : 2026-02-18 Read more