Lumabas kami ng kusina at una kong nakita si Isco na inaawat si kuya Ford at Kean. Mabilis akong lumapit kay kuya Ford para pakalmahin siya at ayaw kong makita siya nina mama na ganito. Hinawakan ko ang braso niya pero pilit niyang tinatanggal ang kamay ko.“Kuya, tama na!” wika ko kay kuya Ford habang inaawat siya.“Hindi, Ash! Dapat bigyan yan ng leksyon, hindi siya marunong madaan sa usapan,” wika ni kuya Ford at pilit na umaalis sa hawak namin ni Isco.“Kung papatulan mo siya, ano pa ang pinagkaiba mo sa kanya!” sagot ko naman at masamang tumingin kay Kean. “Ano bang kailangan mo, Keanu? Hindi ka invited dito kaya umalis ka na,” dagdag ko pa at kung pwede lang na ako na mismo ang manakit sa kanya, nagawa ko na.“Dati naman napaka-welcoming ng pamilya mo kapag binibisita kita ng hindi mo alam,” wika ni Keanu na talagang nag-pakulo ng dugo ko.“Are you really dumb? Leave or you will regret not leaving?” tanong ni Timo sa kanya at alam k
Last Updated : 2026-02-22 Read more