Rowan's POV “Rowan, Rowan!” “Awww!” Nagising ako sa isang malakas na sampal na dumapo sa pisngi ko, “Did you slap me?!” Nanginginig ako sa gulat at inis. “Oo, aalis na ako dahil kailangan ako ng asawa ko.” Walang bahid ng takot niyang sabi. Sa tono ng pananalita niya parang gusto niya pa akong sampalin ulit, “Tawagan mo ako kapag nagising si Sam.” “Kapag nagising si Sam?” Kaagad akong tumingin kung sino ang nakahiga doon sa kama, “Sam!” Niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit. “Baliw,” dinig kong sabi ni carlo bago siya tuluyang lumabas. Hindi ko akalaing may mailalabas ka pala akong luha. Panaginip lang lahat ng iyon? Ibig sabihin hindi iyon totoo? Nandito pa rin si Samarah, nandito pa rin ang asawa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ramirez. “B akit para may problema ba?” Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit may tumutugtog na violin pero hindi ko na yun pinansin. “Come here, quick.” Yun lang ang sinabi ko saka ko na pinatay ang tawag. Sunod
Magbasa pa