Mag-log inIlang araw matapos ang matagumpay na pagpirma ng investment, muling naging sentro ng atensyon si Elara.Ngunit sa pagkakataong ito—Hindi dahil sa iskandalo.Kundi dahil sa isang engrandeng balitang agad kumalat sa buong business industry.Magdadaos si Elara ng isang grand celebration.At hindi lang iyon.Ang selebrasyong iyon ay para sa kanyang kaarawan.“Have you seen the invitation?”“It’s from Elara herself.”“They say it’s going to be one of the biggest events this year.”“Top businessmen, investors… everyone’s invited.”Halos lahat ng kilalang pangalan sa industriya ay nakatanggap ng imbitasyon.Isang eksklusibong event.Isang gabi ng karangyaan.Ngunit higit pa roon—Isang gabing puno ng kuryosidad.Dahil sa iisang dahilan.Magbibigay ng clue ang CEO ng Seblar Creatives.Sa loob ng maraming taon, nanatiling misteryo ang pagkakakilanlan ng CEO ng Seblar.Kahit gaano pa kalalim ang imbestigasyon ng iba—Wala ni isa ang nakakuha ng malinaw na impormasyon.At ngayon—Sa wakas, may
Maaga pa lamang ay ramdam na ang kakaibang tensyon sa buong Montecarlos Corporation.Hindi pa tuluyang humuhupa ang eskandalo na yumanig sa kumpanya, ngunit may isa na namang balitang mas lalong nagpagulo sa lahat—Bumalik na si Elara sa Pilipinas.At hindi lamang iyon.Nagpatawag siya ng isang emergency meeting.Isang meeting na walang sinuman ang may lakas ng loob tanggihan.Sa loob ng malaking conference hall ng Montecarlos Corporation, isa-isa nang dumarating ang mga board members.Tahimik.Mabigat.At puno ng inaabangang sagot.Hindi nila alam kung ano ang mangyayari.Ngunit may isang bagay silang sigurado—Ang araw na ito ay magbabago ng lahat.Sa gitna ng silid, nakaupo si Sebastian.Tahimik siyang nakatingin sa pinto habang hinihintay ang pagdating ng babaeng ilang buwan niyang hinanap.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.Galit?Pagkalito?O—Pananabik?Napabuntong-hininga siya.Limang taon.At ngayon—Sa wakas, muli niya itong makakaharap.Biglang bumukas ang pint
Isang umaga na tila normal lamang ang simula—Ngunit sa loob ng ilang oras, naging simula ito ng pinakamalaking eskandalo na yumanig sa buong Montecarlos Corporation.Sunod-sunod ang paglabas ng mga balita.Breaking news.Exclusive reports.Leaked documents.At iisang pangalan ang laman ng bawat headline—Ang pamilya Montecarlos.“Montecarlos Corporation involved in multiple financial anomalies…”“Leaked documents expose years of hidden transactions…”“Is the Montecarlos empire built on corruption?”Sa bawat segundo, mas lalo pang lumalala ang sitwasyon.Ang mga news outlets ay tila nag-aagawan sa bawat detalye.Ang social media ay punong-puno ng reaksyon.At ang buong business industry—Nakatutok.Sa loob ng Montecarlos Corporation, nagkakagulo ang lahat.Ang mga empleyado ay nagbubulungan.Ang mga executives ay nagkakandarapa sa pag-aayos ng mga emergency meeting.At ang mga board members—Halos hindi na malaman kung ano ang gagawin.“Where did this come from?!”“This wasn’t suppose
Tahimik ang buong floor ng private office ni Elara sa Hongkong. Walang maririnig kundi ang mahinang pag-click ng keyboard at ang paggalaw ng mga papeles sa ibabaw ng mesa. Sa gitna ng silid, nakaupo si Elara—kalma, ngunit ang kanyang presensya ay mabigat. Sa harap niya ay nakabukas ang ilang malalaking screen. Hindi iyon simpleng financial reports. Hindi iyon ordinaryong business data. Kundi mga impormasyong matagal na niyang inipon. Mga lihim. Mga ebidensya. Mga katotohanang kayang bumago ng lahat. Habang abala ang buong industriya sa paniniwala na siya ang may pakana ng sabotahe, si Elara ay tahimik lamang na naghahanda. Hindi siya naglabas ng pahayag. Hindi siya nagdepensa. Hindi siya nagmadali. Dahil alam niyang— Mas malakas ang ebidensya kaysa sa kahit anong salita. “Ma’am, all requested files are ready.” Napatingin si Elara sa kanyang assistant na kakapasok lamang sa silid habang may dalang isang encrypted drive. Lumapit ito at inilapag iyon sa mesa. “These are
Parang apoy na mabilis kumalat ang balita sa buong business industry.Sa loob lamang ng ilang oras matapos ang lihim na pagkalat ng mga dokumento, naging laman na ng usap-usapan ang pangalan ni Elara.Mga headline.Mga artikulo.Mga bulung-bulungan sa loob ng mga boardroom.At iisang kwento ang umiikot sa lahat—Na si Elara ang may pakana ng sabotahe.Na ang investment na inalok niya sa Montecarlos Corporation ay hindi para tulungan ito—Kundi para kontrolin.Para pabagsakin.At sa huli—Para angkinin.Sa loob ng isang high-end business lounge sa Makati, nagtipon ang ilang kilalang negosyante.Sa bawat mesa, maririnig ang iisang paksa.“Have you seen the reports?”“They said the discrepancies came from her side.”“I knew it. No one rises that fast without playing dirty.”“She planned everything from the beginning."“Montecarlos was just her target.”Tahimik ngunit matalim ang bawat salitang binibitawan ng mga taong iyon.At sa bawat pag-ikot ng kwento—Mas lalo lamang nasisira ang pan
Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin ang buong mansyon ng pamilya Montecarlos. Sa loob ng malawak na study room, nakaupo si Mr. Montecarlos sa kanyang malaking mesa habang nakatitig sa mga dokumentong nakalatag sa harap niya. Sa kabilang banda ng silid ay nakaupo naman ang kanyang asawa sa isang eleganteng sofa, tahimik ngunit halatang may iniisip.Samantala, si Andrea ay nakatayo malapit sa bintana habang nakatanaw sa madilim na hardin ng mansyon.Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat.Halatang may isang bagay na seryosong pinag-uusapan.Hindi na bago kay Andrea ang ganitong eksena.Ilang beses na rin siyang naging saksi sa mga pribadong pag-uusap ng pamilya Montecarlos pagdating sa negosyo. Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang pakiramdam niya.Dahil alam niyang ang pinag-uusapan ngayon—Ay si Elara.“At sigurado ka sa sinabi mo?” malamig na tanong ni Mr. Montecarlos matapos ang ilang sandali ng katahimikan.“Sebastian said that himself?”Tumango si Andrea habang mahigpit na hawa







