Diego POV Ayoko sanang puntahan ang gagong Mathew na ’yon at pakiusapan, pero wala akong choice. Isa siya sa mga taong alam kong hindi kayang tiisin ang mag-ina ko kapag nasa sitwasyon silang wala ako. Alam kong habang lumalaki si Xandie, ang anak ko may taong gagabayan siya, at yon si Mathew. Ramdam ko habang kausap ko siya na talagang mahal niya si Alex at Xandie. Parang… kahit hindi ko gusto, kailangan kong tanggapin iyon na siya ang makakasama sa pagtanda ni Alex, na makakatuwang niya na magpapalaki sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihin nung una at haharapin, dahil kaunting galit at takot sa kanya may nararamdaman pa ko. May kaba sa dibdib ko na baka bigla siyang magalit, baka masaktan si Alex o si Xandie, o baka mawala na uli ang lahat sa kontrol ko. Flashback Third POV Nasa kulungan si Diego ngayon, kasama ang kanyang attorney, hindi niya pina alam sa kaibigan niyang si Jeric dahil hahadlang ito, kaya humanap muna siya ng iba upang ilabas si
Last Updated : 2026-03-21 Read more