Diego POV Isang linggo ko nang ginagawa ang pagpunta kay Alex tuwing madaling araw. Pero noong huli kong punta roon, nakita ko si Dad sa garden, malapit sa sikretong lagusan namin. Kaya nagtago muna ako sa likod ng halaman ni Mom. Nagulat ako nang magsalita si Daddy. “Son, if you love someone, you give everything to make your loved ones happy. If you really love Sam, then stop this—because it’s unfair to Alex. If you love Alex, then show her how much you love her. Show her how much you care, and how much you can sacrifice for her.” Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko. Napatingin siya sa akin. “Son, love is always unfair and selfish. Kaya maging selfish ka na, anak. Ayokong sa bandang huli, saka mo lang pagsisihan ang lahat. Mahal kita, anak, kaya ayokong masaktan ka,” sabi niya sabay yakap sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko—umiyak talaga ako sa harap ni Daddy. “Son, masakit na naman ba ang ngipin mo at umiiyak ka na naman? O… nababakla ka na?” sabay tawa niya
Last Updated : 2026-03-14 Read more