Alex POV Kinaumagahan, bigla akong nagising. Bumangon agad ako dahil naduduwal na naman ako, pero pagbangon ko ay nagising si Diego. “Wait! Kakargahin kita, My,” sabi niya. Tumayo siya at lumipat sa harap ko, saka ako binuhat. Pagdating namin sa C.R., gaya ng dati, hinahagod niya ang likod ko habang nagsusuka ako. Inalis niya ang basang sapin sa likod ko at pinalitan ng malinis. Inabot din niya sa’kin ang tuwalya. “Sige, lumabas ka na. Maliligo ako,” sabi ko. Tumango siya. “Tawagin mo ako kapag tapos ka na, ha? Aayusin ko lang yung susuotin mo, tapos mamamasyal tayo, My,” nakangiti niyang sabi. “Hindi pwede. Dadating si Tatay, ’di ba?” tanong ko. Tumayo siya at inayos ang bathtub na pagliliguan ko. “Hindi. Sinisimulan na yung bakery niya, kaya busy si Tatay. Mamaya papasyal tayo, ha, My?” Tumango ako. Bubuhatin na sana niya ako papasok sa bathtub pero pinigilan ko siya. “W-wag na. Kaya ko naman. Isang hakbang lang oh!” sabay turo ko sa bathtub. “At saka, lumabas ka na nga
Last Updated : 2026-03-14 Read more