"Siguraduhin mong hindi ka kukurap, Nathan.. dahil sa sandaling kumagat si Nathalie sa pain natin, kailangang mabilis ang kamay mo sa pagpindot ng record button."Iniayos ko ang suot kong salamin habang nakatitig sa tatlong monitor sa loob ng van. Ang hangin sa loob ay amoy kape at electronics, isang pamilyar na amoy na nagpapakalma sa kumakabog kong dibdib. Katabi ko si Nathan, ang init ng balikat niya ay dumidikit sa akin, isang paalala na sa gitna ng digmaang ito, hindi na ako nag-iisa. Pero kailangan kong manatiling manhid. Hindi pwede ang emosyon habang nakasalalay ang kaligtasan ni Gian."Lahat ng anggulo ay kontrolado, Georgina. Steve is on the perimeter, and Liza is already in position sa loob ng Safehouse 4," sagot ni Nathan, ang boses niya ay malalim at puno ng determinasyon. "Gusto ko lang malaman.. sigurado ka bang magpapakita si Nathalie? After our alliance formed, she must be paranoid.""Paranoia is our best friend, Nathan. People like Nathalie don't just hide.. they see
Last Updated : 2026-05-14 Read more