“Anong klaseng kahihiyan ang dinadala mo sa apelyido natin, Nathan?”Hindi ako agad sumagot.Nakatayo lang ako sa gitna ng opisina ni Dad, diretso ang likod, pero ang mga kamay ko nakasiksik sa bulsa ng slacks ko para hindi niya makita kung gaano kahigpit ang pagkakakuyom ko.“Sumagot ka,” dagdag niya, mas malamig, mas mabigat.Tiningnan ko siya diretso. “Kung kahihiyan ang tawag mo sa paghahanap ng totoo, baka matagal na kitang kinahihiyan.”Biglang bumagsak ang kamay niya sa mesa. Malakas. Umalingawngaw sa buong kwarto.“Mag-ingat ka sa sinasabi mo.”“Hindi na ako bata para takutin mo.”Lumapit siya ng isang hakbang. Nakita ko ang galit sa mata niya, pero hindi na ako umatras.“Pinagtatanggol mo ang babaeng iyon,” diin niya. “Isang scammer. Isang sinungaling. At ikaw, anak ko, ginagawa mong circus ang sarili mo sa media para sa kanya.”“Hindi ko siya pinagtatanggol,” sagot ko, mababa pero malinaw. “Hinahawakan ko ang kaso niya dahil may mali.”Tumawa siya, pero walang saya. “Mali? O
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-05 อ่านเพิ่มเติม