“Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stressed ka, bigla kang nagshi-shift sa well-done. Science ‘yan.” “Law ang inaaral mo, hindi science,” balik ko. “Multidisciplinary thinker,” sagot niya sabay kindat. Napailing ako. Nasa isang steak house kami sa BGC, tahimik pero classy, sapat ang ingay para matabunan ang mga usapan, sapat ang liwanag para makita mo ang bawat galaw ng kaharap mo. Pinili ko ang lugar na ito dahil malayo sa korte, malayo sa media, at akala ko...malayo sa mga alaala. Nagkamali ako. “Love,” bulong ni Gian, biglang tumigil sa paglalaro sa cellphone niya, “tumingin ka sa kanan.” “Bakit?” tanong ko, pero sinunod ko pa rin. At sa mismong sandaling iyon, parang may humila sa sikmura ko pababa. Nakatayo sa may s
Last Updated : 2026-02-10 Read more