مشاركة

32

مؤلف: Totoy
last update تاريخ النشر: 2026-03-17 20:09:10
"WHY ARE YOU quiet?"

Napapitlag si Kiana ng marinig niya ang boses ni Leander. Hindi niya namalayang nasa harap na pala niya ito, nagtatakang nakatingin sa kaniya dahil marahil kanina pa siyang walang imik.

Alangan siyang ngumiti. "M-may kailangan po ba kayo, sir?" tarantang sabi niya at hindi alam ang gagawin. Kanina pa siyang balisa dahil sa delay niyang dalaw na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating. Ilang araw pa lang naman pero wala ng mapagsidlan ang kaba niya.

Bumuntong-hininga ito
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    33

    "OMG, KIANA! I saw it," hindi makapaniwalang sabi ni Cita habang hawak niya ito palayo sa opisina ni Leander."Stop it, Cita baka may makarinig sa iyo," mahinang saway niya rito. Ayaw niyang maging issue sa buong kompanya. Sigurado ring hindi siya titigilan ni Jah kapag nalaman nito iyon."Why? Are you scared that they might know what's between you and sir Leander?" nakangiti pa nitong sabi.Binitawan niya ito ng makarating sila sa hallway. "Cita, walang namamagitan sa amin ni sir Leander, ayaw ko lang ma-issue sa trabaho," dahilan niya."Wala? Paano ako maniniwala, eh halos mag...mag-ganito na kayo ni sir, oh!" Pinagdikit nito ang dulo dalawang daliri sa dalawang kamay nito na parang nagki-kiss."He just wants me to be scared of him dahil hindi ko nagawa ang trabaho ko at walang ibang dahilan, Cita," patuloy na depensa niya."Really? Wala lang ba talaga 'yon? Si sir Leander na 'yon, oh? Konti na lang maki-kiss mo na siya." Na-excite pa ito sa sinabi. "Pangarap kaya naming lahat iyon

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    32

    "WHY ARE YOU quiet?" Napapitlag si Kiana ng marinig niya ang boses ni Leander. Hindi niya namalayang nasa harap na pala niya ito, nagtatakang nakatingin sa kaniya dahil marahil kanina pa siyang walang imik. Alangan siyang ngumiti. "M-may kailangan po ba kayo, sir?" tarantang sabi niya at hindi alam ang gagawin. Kanina pa siyang balisa dahil sa delay niyang dalaw na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating. Ilang araw pa lang naman pero wala ng mapagsidlan ang kaba niya. Bumuntong-hininga ito at pumikit saglit, saka bahagyang kumiling. "Did you finish the document I sent to you yesterday?" Napaawang ang bibig niya. Nawala siya sa focus, nakalimutan ang mga dapat gawin dahil sa kaba niya. Hindi siya ganoon. Kapag sinabi ni Leander na dapat tapusin niya iyon sa sinabi nitong oras, nagagawa niya iyon. "A-alin pong document?" Hindi na rin niya maaalala ang sinasabi nitong document na kailangan niyang gawin. "Kanina ka pang balisa at wala sa sarili, Kiana. Something happened?" nag

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    31

    "EVERYONE, I HAVE NEWS!" excited na sabi ni Jah nang pumasok ito sa office at lahat ay naagaw ang atensyon, maging si Kiana. Pumalibot kay Jah ang mga interesado sa sasabihin nito habang nakatingin lang siya at pasimpleng nakikinig."Anong nalaman mo?" hindi makapaghintay na tanong ni Cita. Pati siya ay naging curious.Inilahad ni Jah ang palad sa lahat. "Twenty pesos kada isa para sa balitang dala ko," sabi nito kaya lahat ay seryosong napatingin kay Jah na para bang gusto nilang sapakin ng tig-iisa."Aba't ginawa mo pa talagang negosyo ang chismis mo, 'no? Ayos ka rin talaga, Jah!" inis na puna ni Kat. "Grabi naman!" reaksiyon naman ng iba at nagsikalakasan na palayo."Wait! Wait! Joke lang, hindi na kayo mabiro," habol ni Jah at alangang ngumiti. Agad namang nagsibalikan ang mga uhaw sa chismis. Habang hindi na rin maiwasang na-curious ni Kiana kaya dahan-dahan siyang lumapit para makinig. Baka kasi tungkol iyon kay Leander.Nakatayo at nakahalukipkip naman si Jared habang nakasa

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    30

    "WHAT? And you believe in them? Alam nating pareho na sila ang pinakasinungaling taong nakilala natin. Ginugulo lang nila ang isip mo so they can easily manipulate you," sabi ni Ambrose kay Kiana ng sabihin niya rito ang sinabi ni Isadora sa kaniya.Bumuntong-hininga siya at sumipsip sa milk tea na in-order ni Ambrose para sa kaniya. Nasa labas sila ng L.A building dahil lunch time niya. He texted her na pupuntahan siya nito."Hindi ko alam, Ambo pero bakit parang nagsasabi sila ng totoo? Paano nga kung alam nila kung nasaan si Dad?" malungkot na sabi niya."Sa tingin mo ba kung alam na nila kung nasaan si tito Hernan, itatago pa ba nila ang daddy mo? They can use your dad to manipulate you and control you para makuha nila ang gusto nila sa iyo," patuloy ni Ambrose. "Kaya hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa mag-inang iyon na saksakan ng sakim at kasinungalingan. Dinaig pa nila ang evil stepsister at stepmother ni Cinderella sa pagiging maldita," inis pang sabi ni Ambrose.Maari

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    29

    HINDI NA namalayan ni Kiana ang oras, madilim na pala ang paligid dahil masyado siyang nag-enjoy kausap ang lola ni Leander kahit palagi sila nitong nilalagay sa hot seat. Hindi naman pala ito nakakatakot katulad ng first impression niya rito. Sa totoo nga, masaya itong kausap at palabiro. Humalukipkip siya ng umihip ang malamig na hangin habang nakatingin siya sa maliwanag na kalangitan. Nasa balcony siya ng mansyon. Sinabi niya kay Leander na doon na lang niya ito hihintayin dahil may kukunin daw ito sa silid nito. "So, it's you." "Ay panot ka!" gulat na sabi niya at napapapikit habang sapo ang dibdib dahil sa gulat. Tahimik siyang nagmamasid sa paligid tapos biglang may magsasalita sa likod, sino bang hindi magugulat? "God!" aniya at lumingon. Napakunot noo siya ng makita ang pamilyar na lalaking nakasandal sa pader, malapit sa pinto habang nakapamulsa at nakatingin sa kaniya. "You're the lucky one because he chose you over his dozen of women," sabi ng lalaki at bahagyang

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    28

    HINDI in-expect ni Kiana ang mga nalaman niya tungkol kay Leander at sa relasyon nito sa pamilya nito. Pero napansin niya na nag-uugat lang din sa business ang conflict ng pamilya.Pagkatapos nilang kumain, sa sala sila dumeretso. Nalaman ni Kiana na wala pa roon ang nga magulang ni Leander dahil nasa ibang bansa ang mga ito at next week pa ang uwi. Ibig sabihin lang na hindi pa niya ito makikita kaya safe pa siya."Hija, napag-usapan niyo na ba ang kasal nitong apo ko?" biglang tanong ni lola Florencia na parehong nagpagulat sa kanila ni Leander."P-po? K-kasal po?"Ibig bang sabihin na tanggap na talaga siya nito?"Lola, hindi ba masyado naman ata kayong nagmamadali? Isang taon palang kaming magkarelasyon ni Kiana at marami pa kaming dapat malaman sa isa't isa.""Bakit hindi? Doon din naman ang punta niyon, 'di ba? May kasabihan nga na sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy so why should we make it early? Saka, she's your secretary for almost six years kaya kilala ni

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status