Faye’s Point of View Kung makapagsalita siya, akala mo kung sino? How does Matheo deal with me? My god! Ang dapat niyang itanong sa akin, how could I deal with Matheo at all?! Sa aming dalawa ni Matheo, si Matheo ang sakit sa ulo at hindi ako. Kung alam niya lang kung gaano ako ka-perfect na asawa ay baka bigyan niya pa ako ng award! Sa loob ng dalawang taon ng pagsasama namin ni Matheo, natutunan kong hindi kwestyunin ang mga desisyon niya. Hinahayaan ko siyang magdesisyon para sa sarili niya at sa pagsasama namin dalawa. Hindi ako nagrereklamo, sumusunod ako palagi sa gusto niya. Kahit nga noong nalaman kong may relasyon sila ni Tyler, nagreklamo ba ako? Hindi! I kept my mouth shut. I let them have an affair. Ayos lang sa akin kahit na na-li-late siya ng uwi o kahit hindi siya umuwi ng ilang araw. Ayos lang sa akin kung umalis siya at mag-out of town, hindi ko siya pinipigilan, sinusuportahan ko pa nga siya. Makakatikim lang siya sa akin ng sermon kapag hindi siya nagsasabi ku
Leer más