Faye’s Point of View Hindi ko na alam kung ano ang iisipin at mararamdaman. Seryoso si Mikhael at mukha naman siyang nagsasabi ng totoo, pero ang hirap paniwalaan! Hindi gano’n ang pagkakakilala ko kay Matheo. Oo, may mga sekreto siya, pero wala iyong kinalaman sa drugs at mga dealer! He’s a biochemical engineer, pero nakapokus siya sa paghandle ng mga produkto galing sa laboratoryo! Hindi siya ang gumagawa ng gamot, may ibang mga empleyado ang gumagawa no’n, mga chemist, at siya lamang ang namamahala… hindi totoo ito. Ayaw kong maniwala. “I’ve been following around this mafia group that is notorious in Italy. Sila ang may pinakamalaking drug businesses sa lahat ng western countries. They’re looking for a wider variety of drugs. At hindi lingid sa kaalaman ng agency na dahil sa teknolohiya ay mas napapadali ang paggawa at pagtuklas ng iba’t ibang klase ng drugs. Nitong nakaraan lang, napansin namin na may activities ang grupong ito sa Pilipinas.” I scoffed. I still couldn't
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-21 อ่านเพิ่มเติม