Faye's Point of ViewKlare is an artist. Tinutulungan niya ang mga baguhang pintor na magbenta ng mga art pieces kaya every other month ay nagho-host siya ng art exhibit. Palaging naiimbitahan si Matheo sa bawat art exhibit, gusto rin kasi ng isang ‘yon ang art, kaya mahilig din siyang magkolekta ng mga painting. Madalas bumibili siya ng dalawa o tatlong art piece at inuuwi niya iyon sa bahay.May sariling art gallery si Matheo sa Cavite, pagkatapos niyang i-display sa bahay ng ilang araw ang nabiling art piece, dinadala niya iyon sa art gallery para doon ilagay ng pangmatagalan.Ang Mommy niya, mahilig din sa painting kaya madalas niya itong regaluhan ng mga bagong painting.At ang isang katulad ko naman, hindi ganoon kaintresado sa painting. Hindi ganoon ka-metikuluso ang pagsusuri ko sa mga art piece. Anything is beautiful for me. Kahit ano’ng tema o istilo ng pintor, maganda para sa akin ang bawat obra.“Good morning, Mrs. Revamonte.” Ang receptionist ang bumungad sa akin malapit
Leer más