Vanessa POV Isang buwan na ganito si Vince, palaging pagod kapag umuuwi, o minsan ay nagpapaalam na hindi makakauwi dahil sa dami ng paper works na kailangang tapusin. Ngayon, hindi raw siya makakauwi rin dahil sa sunud-sunod na problema sa kumpanya nila. Kaya ako na lang ang pupunta doon. Nakahanda na rin ang mga pagkain na dadalhin ko at siyempre, kailangan sexy outfit ako ngayon. Ilang buwan na rin kaming walang masyadong sex, kaya alam kong kailangan kong mag-effort. Habang nagda-drive ako, biglang nag-ring ang cellphone, Si Zandro. “Girl, nasan ka?” medyo histerikal niyang tanong. “I'm driving, bakit?” kalmado kong sagot, pilit kinokontrol ang kaba ko. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon nanahimik ang Reyna?” ang ibig niyang sabihin ang aking ina. “Medyo… baka tinatamad lang, you know, age problem.” Kibit-balikat ko, medyo natatawa, pilit binabawasan ang tensyon. “Bruha! Hindi yun! Ang Mama mo, tumatrabaho ng patago!” Sabay kunot ng noo niya. Bigla a
อ่านเพิ่มเติม