Vanessa POV Buti na lang umalis na ang nakaka bwisit na Vince na yon! Pero bakit miss na miss mo Vanessa?! Binuksan ko ulit ang laptop para makapag-Skype kay Brent, pero ayaw mag-connect. Ilang beses ko pang sinubukan. “Bakit ayaw?” bulong ko, inis na inis. “Hinding-hindi talaga magkaka-connect ’yan, hon.” Napapikit ako sa inis. Minsan talaga, aatakihin ako sa lalaking ’to. Paglingon ko, nandoon siya na may dalang mga prutas pa, na parang walang ginawang kasalanan. “At bakit naman hindi?!” pagsusungit ko. Nakakairita talaga siya, parang ang kalma lang niya sa sitwasyon namin. “Hon, I turned off the Wi-Fi,” kalmado niyang sabi habang binabalatan ang mansanas, parang wala lang. “Bakit mo naman ginawa ’yon?!” Halos sumabog ako sa inis. At bakit ang sarap tingnan ng kamay niya habang nagbabalat ng mansanas?! “Kumuha ka nga ng toyo, para sawsawan,” utos ko sabay labas niya agad ng kwarto. Ilang saglit, bumalik siya dala ang isang tasa na may lamang toyo. “O ayan,” sabay lap
อ่านเพิ่มเติม