Vince POV Bago kami dumiretso sa mansion, napilitan muna akong sumama sa mga makukulit kong kaibigan sa isang restaurant. Ayon sa kanila, kailangan daw i-celebrate ang pagbabalik ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung celebration ba talaga ‘to o interogasyon. Tahimik lang ako habang nakasandal sa upuan. Nakatingin sila sa’kin na parang may aaminin akong krimen. “Bro,” panimula ni Diego habang umiinom ng beer, “ibig mong sabihin… mahal mo talaga si Van? Kahit nung umalis ka pa?” Tumingin ako sa kaniya. Sandaling katahimikan. “No.” Halos mabitawan ni Nilo ang baso niya. “Ibig sabihin, na-realize mo lang nung nasa Singapore ka na?” “No.” Tumahimik silang dalawa. Tumingin sila sa isa’t isa, saka sabay tumingin sa’kin. “Eh ano, gago?!” halos sabay nilang sigaw. Napangisi ako. “Simula nung dumating siya sa buhay ko.” Saglit na katahimikan. “Ooooh!” sabay yakap nina Diego at Nilo sa isa’t isa na parang mga tanga. “Ang sweet!” “Mga gago,” bulong ko habang umiinom. “Eh, bro,”
อ่านเพิ่มเติม