Tahimik ang sandali nang magtagpo ang kanilang mga mata.Nagkaharap sina Avianna at thaddy, parehong hindi umiimik sa loob ng ilang segundo. Ramdam sa hangin ang bigat ng tensyon sa pagitan nila.Tumingin si Avianna kay thaddy, pilit pinipigilan ang emosyon sa dibdib. Kahit nanginginig ang boses niya, pinilit niyang ipagtanggol ang sarili.“thaddy,” sabi niya, “yung litrato na ‘yon… hindi ako ang nagpadala kay Lola. Hindi ko ginawa ‘yon. At kung may bagay man na hindi ko ginawa, hindi ko aaminin kahit pilitin pa ninyo ako.”Matatag ang mga salita niya, pero halata sa kanyang mukha ang sakit.Biglang hinila ni klea ang manggas ng polo ni thaddy.“thaddy,” malambing ngunit may halong panunuya ang boses niya, “tingnan mo siya. Hanggang ngayon, nagde-deny pa rin siya. Wala man lang remorse. Parang wala siyang pakialam sa ginawa niya.”Nanatiling malamig ang mukha ni thaddy.Ang mga mata niya ay parang yelo—walang init, walang awa.“Avianna,” malamig niyang utos, “mag-sorry ka. Ngayon din.
Read more