Pagkababa ko sa kotse sa tapat ng lobby ng condo, hindi ko mapigilan mapahinto at mamangha sa laki at ganda ng disenyo nito. Condo ito ng mga mayayaman, ahh, bulong ko. "Napaka ganda naman na lugar na ito, Ma'am Vhianne," saad ni Manong sa akin habang inilalagay ni Manong ang aking maleta sa trolley na inalok ng staff ng condo. "Oo nga po manong, at nakakalula sa subrang taas," tugon ko. "Pang ilang palapag po ang room mo ma'am, para matulungan ko kayo sa pag buhat ng maleta mo," alok ni manong sa akin. "Nako, wag na po, Manong. Nasa ika-20 palapag pa po ang room na ibinigay ni Ezekiel sa akin." "Ako na lang po ang bahala, Manong; mag papatulong na lang ako sa stuff ng condo sa pag bubuhat ng maleta ko." "Ganon po ba, ma'am? Sige po! Aalis na po ako," tugon niya sa akin. "Sige po!" Pagkatapos ay pumasok na agad sa kotse si manong, pinagmasdan ko si manong habang palabas ng compound, at biglang may nagsalita sa aking likuran na siyang ikinalaki ng aking mga mata. "Yo
Read more