LOGINPagkasigaw ni Lily ay agad kaming naglakad papunta sa kaniya.Hawak ni Ezekiel ang kamay ni Lily habang si Rebecca naman ay sa kabilang kamay niya. Sa bawat hakbang namin ay unti-unting lumalapit ang napakalaking mansion na kanina ko pa nakikita mula sa private jet.Mas lalo itong naging kahanga-hanga nang malapitan ko."Wow..." Hindi ko napigilang sambitin.Napalingon sa akin si Ezekiel at bahagyang ngumiti."Impressed?" Saad niya sa akinTiningnan ko siya at bahagyang tinaasan ng kilay."Medyo." Pabiro kong tugon sa kaniya"Medyo lang?" Saad ni Ezekiel "Don't push it." Napangiti ako nang bahagya. Dagdag niyang sabiTumawa siya nang mahina bago muling tumingin sa harapan.Samantala, halos hindi na mapakali si Lily sa saya."Daddy! Ang laki ng bahay!" Masayang saad ni Lily"That's not even the best part yet," Mabilis na sagot ni Ezekiel.Napangiti si Lily sa sinabi ni Ezekiel at mas mukhang naging Exited pa ito lalo. "Ang bilis mong makuha ang Daddy mo." Mahina kong saad kay LilyN
"Hello...!" saad niya kay Lily sabay kaway.Ngumiti naman si Lily at agad na kumaway pabalik bago nagsalita. "Hello, Rebecca!" masaya niyang tugon.Napangiti ako nang makita silang dalawa. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit paano ay nakikita kong unti-unting nawawala ang takot sa mga mukha nila"Okay..girls Umupo na muna kayo at aalis na tayo," saad ni Ezekiel.Tumango si Lily at agad na umupo sa tabi ni Rebecca.Ako naman ay naupo sa kabilang bahagi ng cabin habang si Ezekiel ay sandaling nakipag-usap sa flight crew.Maya-maya ay isinara na ang pinto ng private jet.Isang malamig na hangin mula sa air-conditioning ang dumampi sa aking balat habang tahimik kong pinagmamasdan ang paligid.Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko sina Erah at Riguel Hindi ko alam kung saan sila nagtatago ngayon. At higit sa lahat, hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para lamang makatakas."Mommy..." Saad ng isang munting bosesNapalingon ako kay Lily. "Yes, baby?" Saad ko"Matagal p
Pagkatapos ay ibinaba ko kaagad ang aking cellphone at dahan-dahan itong ipinasok sa aking bag na nakapatong sa kabilang upuan, sa tabi ko."Sino siya?" tanong ni Ezekiel sa akin habang seryoso niyang tinitingnan ang aking repleksiyon sa rearview mirror.Nang marinig ko ang boses niya ay agad ko siyang nilingon at mabilis na inayos ang pagkakaupo ko bago nagsalita."Hmm... just a friend of mine!" tugon ko sa kaniya.Ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.Napalunok ako bago ko muling dinugtungan ang sinabi ko."S-si Attorney Hermes... sa kaniya ko ibinigay ang mga ebidensya laban kay Erah at Riguel," nauutal kong sabi.Pagkasabi ko noon ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Maya-maya ay tuluyan itong huminto sa gilid ng kalsada.Laking gulat ko nang bigla siyang humarap sa akin."Are you okay?" seryoso niyang tanong. "Sinaktan ka ba nila?""Who?" nagtatakang tanong ko.Mabilis naman siyang sumagot."Ang mga lalaking h
Biglang bumukas ang pinto ng itim na SUV.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang lalaking mabilis na bumaba mula roon. May hawak itong itim na bagay sa kamay habang diretso ang tingin nito sa sasakyan namin."Kuya, bilisan mo!" mariin kong saad sa driver."Hindi po tayo makakalagpas sa harapan, Miss Vhianne!" tugon niya habang pilit na pinapabilis ang sasakyan."Mommy!" sigaw ni Lily habang mahigpit na nakakapit sa aking braso."Huwag kang matakot, anak. Kasama natin ang Daddy mo."Ngunit bago pa man ako makapagsalita muli, isang malakas na busina ang umalingawngaw mula sa likuran.Nakita ko ang sasakyan ni Ezekiel na mabilis na sumingit sa pagitan namin at ng itim na SUV."Vhianne!" sigaw niya mula sa loob ng sasakyan habang ibinababa ang bintana."Huminto ka sa tabi!" Saad ni Ezekiel"Pero paano si Lily?" Saktong sigaw ko"Nandiyan ako magtiwala ka sa akin!" Tugon ni Ezekiel sa kabilang linyaAgad kong tiningnan ang driver at marahan na nagsalita"Huminto tayo!" Saad ko
Nanatili akong nakatayo sa likuran ng restaurant habang mahigpit na hawak ang cellphone sa aking kamay.Hindi ko alam kung alin ang mas dapat kong katakutan—ang lalaking kanina pa nakatingin sa amin o ang impormasyong sinabi ni Attorney Hermes.Ginamit nila ang pangalan ko! Kung totoo iyon, maaari nilang palabasin na ako ang may kagagawan ng lahat, kailangan kong makausap si Ezekiel patungkol dito. Bulong ko sa aking sarili. "Attorney..." mahinang tawag ko. "Nandiyan ka pa ba, Vhianne?" Saad niya sa kabilang linya. "Opo." Mabilis kong tugon."Wag muna kayo dumeretso sa bahay ninyo" Saad ni attorney. Napatingin ako kay Lily na tahimik na nakahawak sa aking kamay."Pero saan po kami pupunta?" Saad ko pabalik sa kaniya. Nang marinig niya ang sinabi ko ay mabilis naman niyabakong sinagot. "May pinadala akong tao diyan jindi siya naka-uniporme at hindi rin siya sasakay sa sasakyang pagmamay-ari ng opisina siya ang susundo sa inyo." Saad niyaNapakunot ang noo ko bago marahan na nagsa
"Ikaw na muna ang bahala sa anak natin, Vhianne," saad niya bago siya tuluyang pumasok sa kotse.Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng aking bag, ngunit bago ko pa man ito sagutin ay pinauna ko na si Lily na sumakay sa aking kotse."Anak, maupo ka muna sa loob at isuot mo ang seatbelt mo, ha?" nakangiti kong paalala."Opo, Mommy," masunurin nitong tugon bago isinara ang pinto.Nang masigurado kong maayos na siyang nakaupo, saka ko lamang kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag. Napansin kong si Attorney Hermes ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot."Hello, Attorney?" bati ko."Vhianne, pasensya na kung napatawag ako nang biglaan," mahinahon niyang saad. "May mahalaga sana akong ipapakiusap sa'yo."Napakunot ako ng noo bago nagsalita. "Ano po iyon?" Saad ko. "Nakatanggap ako ng ilang bagong dokumento na may kaugnayan kina Erah at Riguel, sa tingin ko, makatutulong ang mga ito sa kasong inihahanda natin. Kung maaari, magkita tayo sa opisina mamayang hapon
I can't believe it sumama pa talaga si Erah sa boyfriend niya. Ang kapat talaga ng mukha niya! Balak niya ba na sira in ang kaarawan ni Kiro? Seryo na bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan sila na papalapit sa deriksyon namin ni Kiro. "Hello baby! Happy birthday! Pagbati ni Mark kay Kiro ng
Habang naglalakad ako paakyat ng hagdanan ay iniisip ko kung ano ang aking isusuot bukas para sa kaarawan ni Kiro; malaki na ang aking tiyan kaya panigurado na hindi na kasya sa akin ang ibang gown ko, huhu. Hindi ko maisip kong ano ang damit na babagay sa akin.Oh my god nakakaiyak naman ito, bulo
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na kami ni nay Ele sa venue at nag lalakad na kami papunta sa labas kong saan nag hihintay si Ronaldo ang driver namin. Habang nag lalakad kami palabas ay bigla kong nakasalubong ko ang boyfriend ni Kiro na si Mark. Nanlaki ang aking mga mata at napahinto ako
Tatlong araw na ang nakaraan ng gumawa ako ng iksaktong kopya ng contrata na hawak ni Ezekiel, may idinagdag lang akong ilang words doon. Ngayon ay papunta na kami sa companya ni Ezekiel dahil sa may meeting daw, isinama lamang ako ni nay Ele. Ito na ang chance ko para mapalitan na ang kontrata







