"Hello nay Ele, kumusta na po si Lilibet?" Pa excited na tanong ko sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay sabik na sabik na akong marinig ang balita sa aking baby. “Hello, Vhianne,” saad niya sa akin, may halong pagod ngunit puno ng lambing ang tinig. “Ayos lang kami rito ng anak mo. Kakatulog lang niya ngayon.”Napangiti ako bigla. "Talaga po! Hindi naman po siya umiyak? Tanong ko. "Nakoo, ang apo ko ay subrang bait, hindi siya iyakin. Iiyak lang siya kapag gutom at pagkatapos ay matutulog na ulit," masaya niyang saad sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko habang unti-unting lumalabas ang ngiti sa aking labi. "Mabuti naman kung ganun nay Ele," Tugon ko sa kaniya. Napawi agad ang pagod ko, dahil sa alam ko na mabuti ang kalagayan ng aking anak doon sa mansyon.Ilang minuto din kaming nag-uusap ni Nay Ele sa cellphone, at panay ang tawanan namin.Pagkapaalam ni Nay Ele sa akin ay dahan-dahan kong pinatay ang tawag sa cellphone at maingat na inilapag iyon pabalik sa ibabaw ng toilet sa loo
Read more