LOGIN“Excuse me?”“Vhianne…” babala ni Ezekiel sa akin sa mahinang boses.Ngunit tila wala na akong balak umatras. Tumalikod ako at inilapag ang tasa ng kape sa counter bago ko siya muling hinarap.“You know what? Tama si Ezekiel.” Napatawa ako nang mahina. “Baka insecure lang talaga ako sa’yo.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Erah,maging si Ezekiel ay tila nabigla sa sinabi ko.“Vhianne, stop it,” seryosong saad ni Ezekiel sa akin“Why should I stop?” mabilis kong sagot habang nakatingin kay Erah. “Eh siya naman ang magaling, hindi ba? Siya ang developer ng system. Siya ang bida. Siya ang future wife mo.” Napangiti ako nang mapait. “So anong laban ko?”Tahimik si Erah habang nakatitig lamang sa akin.Ngunit napansin ko ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kaniyang bag.Tamaan man siya sa sinabi ko o hindi, alam kong alam niya ang totoo.At iyon ang mas lalong nagpapainit ng ulo ko.“Hindi ko kailangan makipagkumpitensya sa’yo,” malamig niyang saad. “Ikaw lang naman ang gumaga
Habang tahimik akong nagtitimpla ng kape sa kusina sa ika 19 na palapag ng kompanya ay hindi ko maiwasang mapangiti sa sarili habang iniimagine ang magiging ekspresyon ni Erah bukas. Halos gusto ko ngang matawa nang maalala ko kung paano ang naging reaction niya kaniya about sa sinabi ni Jessica tungkol sa demo.Dahan-dahan kong hinalo ang mainit na kape habang nakatanaw sa malawak na salamin ng kusina. Mula roon ay kita ng mga mata ko ang condo na tinutuluyan ko, kong saan pagmamayari din ni Ezekiel. ano kaya ang plano ni Erah mamayang gabi? Sigurado akong hindi siya makakatulog mamaya. pabulong kong saad sa aking sarili habang bahagyang nakangisi.Ngunit ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay biglang bumukas ang pinto ng kusina dahilan upang mabilis akong napalingon doon. Pagkatapos ay agad na bumungad si Ezekiel sa pinto pagkabukas nito. Nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks habang ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa doorknob. Seryoso ang kaniyang
Pagkalabas ko ng opisina ay agad akong napahinto nang marinig ko ang mahinang pagbukas muli ng pinto sa likuran ko.Bahagya akong lumingon at nakita kong mabilis na lumabas si Erah habang madiing nakatingin sa akin. Halatang hindi pa rin siya mapakali sa mga sinabi ko kanina.“Anong ibig mong sabihin doon?” malamig niyang tanong.Bahagya akong ngumiti ngunit hindi ko siya nilingon nang tuluyan.“Wala naman akong sinabing kahit ano,” kalmado kong sagot bago muling maglakad.Ngunit mabilis niya akong nahabol at hinablot ang aking braso dahilan upang mapahinto ako.“Stop playing games, Vhianne.” gigil niyang saad. “May tinatago ka ba tungkol sa system?”Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin bago ko siya malamig na tiningnan.“You're hurting me.” seryoso kong saad.Agad naman niyang binitawan ang braso ko ngunit nanatili ang matalim niyang tingin sa akin.Hindi ko napigilang mapangisi.“Kung sigurado ka talaga sa sarili mo, bakit parang kinakabahan ka?”
“So since fully secured na ang system ng kompanya na ito ay dumerecho na tayo sa promotion.” Kalmado ngunit seryosong saad ng Inspector na si Jessica habang isa-isang inilalatag sa ibabaw ng conference table ang makakapal na dokumento.Agad na natahimik ang buong conference room.Tanging tunog lamang ng aircon at marahang paggalaw ng mga papel ang maririnig habang isa-isang ipinapasa ni Jessica ang mga dokumento sa amin.“These are the final approval documents for the system implementation together with the promotion endorsements,” dagdag pa niya habang maayos na itinutulak ang folder papunta kina Ezekiel.Agad namang inabot ni Ezekiel ang mga papeles at seryosong binasa ang mga iyon. Katabi niya si Erah na halatang pilit na pinipigilan ang excitement sa kaniyang mukha.Ako naman ay tahimik na yumuko upang kunin ang aking ballpen mula sa loob ng aking bag.Bahagyang nag-ingay ang zipper nito dahilan upang mapatingin sandali si Jessica sa akin ngunit mabilis ko rin iyong binalewala.Pa
“Ikaw ba ang fiancée niya?” ulit niyang tanong sa akin habang nakatingin diretso sa aking mga mata.Bahagya pa akong natigilan sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong isagot dahil bago pa man ako makapag salita ay agad na may sumingit na boses mula sa likuran ko.“She is not, I’m his fiancée. Erah.” Mataas at puno ng kumpiyansang saad ni Erah habang papalapit sa amin. Nakataas pa ang kaniyang baba na para bang ipinapakita niyang siya ang mas nakakaangat sa akin.Pagdating niya sa tabi namin ay agad niyang iniunat ang kaniyang kaliwang kamay kay Jessica para makipagkamay. Sadyang iniharap pa niya ang kaniyang kamay upang kitang-kita ang mamahaling singsing na suot niya sa kaniyang daliri.“Assistant lamang siya ni Ezekiel,” dagdag pa niya habang pilit na ngumingiti kay Jessica.Nang marinig ko ang sinabi niya ay napairap na lamang ako. Dahan-dahan kong ikrinus ang aking mga kamay sa dibdib habang pilit na pinipigilan ang sariling mapatawa.Talagang hindi pi
Naglakad ako papunta sa direksyon ni Erah para komprontahin siya ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay biglang may dumating mula sa likuran ko dahilan para mapahinto ako.“What's going on here?” malakas na saad ng isang babae mula sa likuran ko.Napakunot ang noo ko at seryoso ko siyang hinarap. Ngunit pagharap ko pa lamang ay agad nang nanlaki ang mga mata ko. Bumungad sa harapan ko ang isang eleganteng babae na may malamig at matalim na tingin habang deretso siyang nakatitig sa aking mga mata.Nakasuot siya ng itim na blazer dress na halatang mamahalin, habang ang kaniyang mahahabang buhok ay maayos na nakalugay sa kaniyang likuran. Ang kaniyang presensya pa lamang ay sapat na para patahimikin ang buong paligid.Sa mga oras na iyon ay iisa lamang ang nasa isip ko.Isa siyang Inspector.Kasama niya ang dalawang malalaking bodyguard na parehong seryoso ang mukha at tila handang umaksyon anumang oras.Biglang natahimik ang buong hallway. Ang mga empleyadong kanina lamang a
Ilang oras ang lumipas ay hindi ko namalayan sa aking sarili na nakatulog na pala ako sa aking kinauupuan. Nagising na lamang ako ng kalabitin ni Kiro ang braso ko. "Beshhh… Kumusta? Nandito na kami!" Saad ni Kiro sa akin pagkagising ko. "Dala ko na pala ang food mo, besh," sambit ni Kiro. Iniab
I can't believe myself; ang bilis ko naman mapatawad si Zeke pagkatapos ng lahat na nangyari sa amin. Pakakasalan ko ba ulit ang ex-husband ko? Ano ba yan, Vhianne? Masyado ka naman nagpapauto sa lalaking iyan, huhu. Sinampal ko ng mahina ang aking pisngi at saka huminga ng malalim. Tiningnan ko s
Gosh...... Vhianne! What are you doing? Dapat masaya kana dahil bumalik na ang asawa mo; wag ka ng pakipot pa, bulong ko sa aking sarili.Tiningnan ko ng pasikreto si mama sa kabilang sofa, and sininyasan ko siya. Mom...help me, say something! ng makita niya ako ay huminga siya ng malalim. Hindi k
I will play this video at her wedding. Hindi para gumanti, kundi para iligtas si Ezekiel sa babae na iyon, na si Erah.Gusto kong malaman niya ang katotohanan ng hindi ako nakikita doon. Well, I'm going there, but I won't show my face to them; I'm going to wear a disguise.Habang na sa kalagitnaan







