HABANG NASA DAAN at abala sa pagmamaneho si Kane ay napansin niya ang pananahimik ni Vesper na nakaupo sa passenger’s side. Pauwi pa lang sila sa San Agustin mula sa rally sa bayan ng Dolores. Kumunot ang noo ni Kane. Puno ng pag-aalalang paulit-ulit niyang sinulyapan ang nobya na ang mga mata ay tutok na tutok sa hawak nitong cellphone. “Kane," mahinang tawag ni Vesper sa nanginginig na tinig. Muling sinulyapan ni Kane ng tingin ang babae. He knows, something was wrong. " Yes, baby? May problema ba?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Vesper saka siya umayos ng upo. Hinarap niya ang cellphone kay Kane at ipinakita dito ang ilang viral comments mula sa isang post online. SanAgustinTruths, iyon ang pangalan ng page na nagpost ng picture nila ni Kane na umani ng sari-saring komento. [Sp, ito na pala ‘yung sinasabi nilang ‘clean politics’? Mayor na may fetish sa bata. Nakakadiri. Vesper, may konsensya ka ba?”] [Shameless bitch!] [Yuck… Slut!] [Mayor, hindi mo nam
Last Updated : 2026-05-27 Read more