“COME IN…” turan ni Mrs. Ynares nang makarinig ng tatlong sunod-sunod na katok. Naroon siya sa loob ng kanyang study room at may binabasang business proposal. Dahan-dahang bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang isang kasambahay. “Madam, may bisita po kayo.”Kumunot ang noo ni Mrs. Ynares. Wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw lalo na’t pasado alas tres na ng hapon. “Sino? If it isn't important, pakisabi na wala ako.” aniya bago ibinalik ang atensiyon sa binabasa.“Eh, Madam, sina Mr. and Mrs. Del Valle daw sila." napapakamot sa ulo na sagot ng kasambahay. Natigilan si Mrs. Ynares. Ibinaba niya ang hawak na business proposal at napatitig sa kasambahay. " Come again?” kunot ang noo na tanong niya. “Mommy at Daddy daw po sila ni Miss Vesper, Madam.”Hindi kaagad nakapagsalita si Mrs. Ynares. “Ah, Madam, patutuluyin ko po ba sila?" Napatingin si Mrs. Ynares sa kasambahay pagkuwa’y tumango."Let them in. Pakihatid na lang sila dito sa study room. Then
Last Updated : 2026-06-15 Read more