“HAYOP KA! Ikaw ang may gawa nito, 'di ba?! Kayo ng gigolo mo? Ilabas mo siya? Paghahaluin ko ang dugo niyong dalawa!” Tumigil ako sa paglalakad, may dalawang metrong distansya mula sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ibinaba ko nang bahagya ang sunglasses ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. I looked at her like she was just a trash in front of me.Pinanatili kong kalmado at malamig ang boses ko.“Wala akong alam sa sinasabi mong video, Moira. At kung sakali mang kumalat 'yan sa buong internet, baka dahil 'yan sa sarili mong kababuyan. Ang lakas ng loob mong isisi sa’kin ang kawalang-hiyaan mo!” sagot ko nang may diin. “Sinungaling!” tili niya, pilit na inabot ang buhok ko pero mabilis na humarang ang mga guard. Nagwawala siya, sumisipa at nangangagat.“Ang lalaking iyon, I know ikaw ang nagpadala sa kan’ya! Ikaw ang nag-utos sa kan’ya! Kung hindi ko kayo makakasuhan papatayin ko kayong dalawa!” anito, nag-aapoy sa galit habang duro duro ako.Lalaki? Anong pinagsasabi niy
Last Updated : 2026-04-08 Read more